Virgo Horoscope 2026 (Tagalog)

Paalala: Ito ay general prediction lang base sa galaw ng mga planeta ngayong 2026. Pwede kang makarelate, pwede ring hindi, kasi iba-iba pa rin ang epekto nito depende sa personal birth chart mo. Mas magiging accurate ang reading kung naka-base ito sa solar return chart gamit ang araw, oras, at lugar ng kapanganakan mo. Kung gusto mo ng personal na gabay para sa buong taon, paki-click na lang ng button sa ibaba.

RESERVE A SLOT

RELATIONSHIPS

Nasa Libra sa 4th house ang Venus, kaya mas focus ka ngayon sa bahay, pamilya, at emotional stability.

Kung may partner ka, pwedeng mapag-usapan ninyo ang living setup, family responsibilities, o future plans. Pero dahil Venus opposite Saturn, may mga pagkakataong mararamdaman mong ikaw lang yung laging nag-aadjust. Huwag mong kimkimin. Sabihin mo nang mahinahon para hindi maipon ang sama ng loob.

Kung single ka, mas maa-attract ka sa emotionally mature at may direksyon sa buhay. Pero dahil Venus–Saturn opposition, pwedeng mas piliin mong maging single muna, at okay lang yun. Pumasok ka sa relasyon kapag ready ka na talaga.

CAREER / STUDIES

Nasa 2nd house ang Sun, Mercury, at Jupiter, kaya mas goal-oriented ka this year, lalo na sa mga bagay na may long-term value, tulad ng stable na trabaho, skills na magagamit mo sa future, at mas maayos na kita. Maganda yung Jupiter trine Saturn kasi taon ito na pwede kang magbuo ng matibay na foundation sa career mo. Hindi man agad makita ang resulta, may progress basta consistent ka.

Kung nagtatrabaho ka, pwedeng madagdagan ang responsibilities. Magandang training ’to kasi mapapakita mo na kaya mong humawak ng mas mabibigat na tasks. Basta consistent ka at maaasahan sa output at deadlines, mas magiging stable at pabor sa’yo ang takbo ng career mo.

Kung estudyante ka, magandang taon ito para mag-focus sa practical skills o subjects na magagamit mo talaga pag nagtatrabaho ka na. Mas bibilis yung learning mo kapag nakikita mong may point at may future use yung pinag-aaralan mo.

FINANCES

May chance na tumaas yung income mo this year, pero kailangan mo ring maging ready sa surprises. Dahil naka-square ang Sun sa Uranus, pwedeng may biglaang gastos o biglaang pagbabago sa mga plano, kaya magandang habit yung magtabi ng extra kahit konti para sa unexpected expenses.

Ipinapaalala ng Mars square Neptune na iwasan yung gastos na dala lang ng bugso ng damdamin. Bago ka mag-checkout, huminto ka muna at tanungin ang sarili mo kung kailangan mo ba talaga ito.

HEALTH

Nasa 1st house ang Mars, kaya magiging energetic ka this year, pero dahil nasa Cancer ito, mas emotional ka rin lalo na kapag pagod ka. Dahil naka-square ang Mars sa Saturn at Neptune, pwedeng mabilis mauwi sa pananakit ng tiyan at dibdib ang stress. Naka-square din ang Moon sa Neptune, kaya mas madalas ang sobrang pag-iisip.

Pero good news, nasa 6th house ang Moon at naka-trine sa Sun, kaya mabilis ka namang makakabawi basta may sapat kang pahinga at marunong kang lumayo muna sa gulo kapag kailangan.

Click to Chat