Top 5 Luckiest Zodiac Signs in 2026

Kung hindi ka kasama sa 5 lucky zodiac signs na nabanggit dito, hindi ibig sabihin na hindi ka na siswertehin sa taong ito. Ang totoo, tayo pa rin ang gumagawa ng sarili nating swerte.

1. Pisces

Maswerte ang Pisces sa love life at pera ngayong taon. Kung single ka, posibleng pumasok ka sa isang seryosong relasyon. Kung may partner ka na, mas lalalim pa ang connection ninyong dalawa. Sa pera naman, may posibilidad na dumating ang mga biyayang makakatulong sa financial problem mo.

2. Capricorn

Swerteng taon ito para sa mga Capricorn pagdating sa trabaho at negosyo. Maaaring mabagal ang pag-usad, pero kung magpapatuloy ka sa sipag at tiyaga, may reward na naghihintay sa’yo. Magandang taon ito para mag-focus sa career o maghanap ng sideline.

3. Sagittarius

Pagdating sa pera, maswerte ang Sagittarius ngayong taon. May chance kang kumita gamit ang skills mo. Kahit may pressure sa trabaho o pag-aaral, kaya mong bumangon at ipagpatuloy ang mga kailangan mong gawin.

4. Taurus

Stable ang swerte ng Taurus pagdating sa pera. Kung magiging praktikal ka sa mga desisyon mo, mas gaganda ang financial standing mo. Panahon ito para mag-ipon at ayusin ang priorities mo.

5. Leo

Hindi rin magpapahuli ang Leo sa taong ito. Mas malinaw na sa’yo kung ano talaga ang gusto mo, at mas may tapang ka para ipaglaban ito. Malaki ang chance na mapansin ka sa trabaho o pagkatiwalaan ng mas malaking responsibility.


2026 TAGALOG HOROSCOPE
Click to Chat