Cancer Horoscope 2026 (Tagalog)
RELATIONSHIPS
Ngayong 2026, mas madali mong maipapakita yung nararamdaman mo, pero may mga araw din na mas gusto mong manahimik, lalo na kapag hindi ka komportable sa isang tao. Dahil nasa Leo ang Venus sa 1st house mo, mas mapapansin ka ng iba, at mas malakas ang karisma mo ngayong taon.
Kung may partner ka, mas magiging sweet ka, pero magiging demanding ka rin ng atensyon. Dahil may tension si Sun at Moon, may mga pagkakataon na hindi agad kayo magkaintindihan. Imbes na manahimik o palipasin lang, mas okay kung pag-uusapan agad para hindi lumaki ang problema.
Kung single ka, posible na may magkagusto sa’yo o may makilala kang bago. Pero dahil may effect si Pluto sa relationship area mo, mag-ingat sa mga taong gusto na laging sila ang nasusunod. Mas okay kung kilalanin muna nang mabuti bago mag-commit.
CAREER / STUDIES
Dahil nasa 10th house si Mars sa Taurus, malinaw sa’yo kung ano talaga ang gusto mong mangyari ngayong taon. Ayaw mong magsayang ng oras sa mga bagay na walang saysay. Gusto mong siguraduhin na lahat ng ginagawa mo ay may patutunguhan.
Nasa 2nd house ang Moon at naka-trine sa Mars, kaya mas ganado kang magtrabaho kapag alam mong may reward ang effort mo, o kapag alam mong pinahahalagahan ang ginagawa mo.
At dahil nariyan din si Uranus sa 10th house, posible ang pagdating ng career opportunity na hindi mo inaasahan. Baka ito na rin ang simula ng malaking pagbabago sa career life mo.
Kung estudyante ka naman, mas focused at determinado ka ngayong taon. Sulitin mo ang energy na ito para mas pagbutihin ang pag-aaral mo at tapusin nang maayos ang mga projects mo.
FINANCES
Dahil nasa 2nd house ang Moon at naka-trine kay Mars, mas ganado kang mag-ipon at mas focus ka sa mga pinagkakakitaan mo.
Pero dahil may square si Sun kay Neptune at si Neptune ay nasa 8th house, kailangan mong mag-ingat sa mga bagay na may kinalaman sa utang o mga gastusin sa pamilya. Kung ikaw ang magpapautang, siguraduhin mong malinaw kung magkano at kung kailan babayaran. Kung ikaw naman ang uutang, huwag kang papasok kung alam mong mahihirapan kang magbayad. Sa gastos naman para sa pamilya, hindi mo kailangang saluhin lahat. Okay lang magbigay, pero mahalaga na alam mo kung hanggang saan lang ang kaya mo.
Maganda ang 2026 para sa financial planning mo dahil magkasama si Mercury at Jupiter sa 12th house mo. Ayusin mo kung paano ka gumagastos at magtabi ng pera para sa mga importanteng bagay, lalo na sa emergencies at future goals. Kahit maliit lang ang naiipon mo, basta consistent, malaking tulong na 'yon. Mas okay din kung hindi mo muna sinasabi sa iba ang mga plano mo. Tahimik lang para iwas inggit at abala.
HEALTH
Dahil maraming planets sa 12th house mo (Mercury, Jupiter, at Sun), mabilis kang mapagod mentally at emotionally kahit physically okay ka naman. Maaaring ma-overwhelm ka ng stress, kaya mahalaga na maglaan ka ng oras para magpahinga at mag-relax.
Buti na lang, nasa 10th house si Mars, kaya may sapat kang energy para maging productive this year. Para hindi ka ma-burnout, maghanap ka ng healthy outlet tulad ng art, journaling, o simpleng paglayo sa ingay at gulo.
Bantayan mo rin ang tulog mo. Kapag kulang ka sa pahinga, mas madali kang mapikon at mawalan ng gana.
