Aries Horoscope 2026 (Tagalog)

Paalala: Ito ay general prediction lang base sa galaw ng mga planeta ngayong 2026. Pwede kang makarelate, pwede ring hindi, kasi iba-iba pa rin ang epekto nito depende sa personal birth chart mo. Mas magiging accurate ang reading kung naka-base ito sa solar return chart gamit ang araw, oras, at lugar ng kapanganakan mo. Kung gusto mo ng personal na gabay para sa buong taon, paki-click na lang ng button sa ibaba.

RESERVE A SLOT

RELATIONSHIPS

Ngayong 2026, activated ang 8th at 9th house mo. Ito yung may kinalaman sa emotional connection, tiwala, at mga pinaniniwalaan mo sa buhay.

Kung may partner ka, may mga bagay kayong kailangang pag-usapan ngayong taon. Pwedeng tungkol ito sa commitment, shared responsibilities, o tiwala. Kapag solid ang foundation ng relasyon niyo at pareho kayong willing mag-effort, malaki ang chance na mas tumibay ang connection niyo. Pero kung patuloy niyong iniiwasan ang mga isyu, pwedeng lumamig ang samahan at mahirap nang ibalik ang dating closeness.

Kung single ka naman, may posibilidad na makakilala ka ng potential partner sa mga lugar o sitwasyon na may kinalaman sa travel, pag-aaral, o online interactions. Pero huwag agad magmadali. Mas okay na dumaan muna sa getting-to-know phase para mas makilala mo siya ng mabuti bago mag-commit.

Naka-conjunct ang Moon at Venus sa 9th house mo, kaya madalas kang ma-attract sa mga taong mabait, malalim mag-isip, at kapareho mo ng paniniwala sa buhay. Pero dahil naka-square si Venus kay Jupiter, may tendency ka na ma-overestimate ang feelings o maging sobrang idealistic. Kaya importante na maging grounded ka bago ka totally mag-invest emotionally.

CAREER / STUDIES

Nasa career house mo ang Taurus at Uranus, kaya asahan ang ilang biglaang pagbabago sa trabaho o career path mo ngayong taon.

Kung may stable job ka na, posible ang biglaang pagbabago, gaya ng bagong boss, bagong sistema, o dagdag na responsibilidad. Pero hindi ito kailangang katakutan. Kapag mabilis kang mag-adjust at handa sa mga bagong matututunan, pwedeng maging daan ito sa mas magagandang oportunidad.

Kung naghahanap ka pa lang ng trabaho, posible kang mapunta sa larangan na may kinalaman sa creative work, online setup, technology, o spiritual field. Maaaring hindi ito ang direksyong inaasahan mo, pero kung magugustuhan mo naman ito, mas madali kang uunlad at mas magiging consistent ang takbo ng career mo.

Kung estudyante ka, pwedeng maging emotionally exhausting ang 2026, lalo na kung sabay-sabay ang deadlines. Para mas maging productive ka, iwasan ang multitasking. Malakas din ang spiritual at creative energy mo, kaya mas madali mong ma-express ang ideas mo at mas gaganda ang resulta ng schoolworks mo.

FINANCES

Dahil maraming planets sa 8th house, posible na may dumating na hindi inaasahang financial help. Pero kasabay rin nito, pwedeng may biglaang gastos o responsibilidad na kailangan mong saluhin para sa iba. Kaya mahalaga ngayong taon ang malinaw na financial boundaries. Piliin mo kung saan ka tutulong, at alamin kung hanggang saan lang ang kaya mo.

Kung may utang o kailangang bayaran, magandang pagkakataon ngayon para magsimula ng simpleng payment plan. Kahit maliit basta consistent sa pagbabayad, makakatulong ‘yan para unti-unting gumaan ang burden.

Dahil naka-trine si Mars kay Jupiter, magandang taon ito para magplano sa pera long-term. Kung marunong ka sa investments, mas magiging secure ang future mo, basta pinag-iisipan at hindi padalos-dalos.

HEALTH

Nasa 12th house si Jupiter at nasa 8th si Neptune, kaya mas madali kang mapagod ngayong taon. Bigyang-halaga ang pahinga at iwasan muna ang mga taong mahilig sa drama.

Naka-conjunct ang Sun at Neptune sa 8th house, kaya may tendency kang kimkimin ang problema, na pwedeng makaapekto sa kalusugan mo. Mas okay kung may healthy outlet ka, tulad ng journaling o simpleng paglalakad sa tahimik na lugar.

Click to Chat