Thank you po sa reply. May mga changes akong nakikita sa kanya. Kanina lang po, just a few minutes ago, kausap ko siya sa phone, saying sorry kasi di ako nakinig na huwag ko na dalhin yung kotse sa pinuntahan ko. Malumanay siyang nagsalita at okay lang daw. Before I ended the call, I said "I love you" and he responded with, “Sige, I love you too, bye.” He also hugs me and holds my hands. Tabi kami nagsleep mula Sunday til now. Di ako gumagawa ng kahit ano na ikakagalit niya. He cares for me always. Palagi na din po kaming nagbibiruan. Nababanggit po niya yung paglipat ko ng bahay, pero binago niya po kung kailan. Last time, sabi niya end of the month, ngayon na daw kami lilipat ng bahay ng kids. Magaan din po pakiramdam ko. Sinusunod ko lang po lahat ng sinabi ninyo at yung program.