Gemini Horoscope 2026 (Tagalog)

Paalala: Ito ay general prediction lang base sa galaw ng mga planeta ngayong 2026. Pwede kang makarelate, pwede ring hindi, kasi iba-iba pa rin ang epekto nito depende sa personal birth chart mo. Mas magiging accurate ang reading kung naka-base ito sa solar return chart gamit ang araw, oras, at lugar ng kapanganakan mo. Kung gusto mo ng personal na gabay para sa buong taon, paki-click na lang ng button sa ibaba.

RESERVE A SLOT

RELATIONSHIPS

Nasa Cancer si Venus at Moon, at dahil nasa 5th house ang Moon, mas emotionally attached ka sa mga taong mahalaga sa’yo ngayon. Maaaring mas clingy ka this year, o mas mabilis kang maapektuhan ng mood ng partner mo, kaibigan, o pamilya.

Kung may partner ka, may chance na mas maging malapit kayo sa isa’t isa. Pero dahil may square si Moon kay Mars, bantayan mo yung mood swings mo, lalo na kapag may tampuhan. Iwasan ang pagiging passive-aggressive. Mas okay na diretsong sabihin kung ano ang gusto mo o kung ano ang kailangan mo, para hindi lumaki ang issue.

Kung single ka, possible na ma-attract ka sa mga taong gentle, caring, at nagbibigay ng sense of comfort. Pero paalala: huwag agad ma-fall sa idea ng love. Mas mainam kung kilalanin mo muna nang mabuti bago ka magtiwala.

At dahil maganda ang connection ng Moon at Jupiter sa 5th house, mataas ang chance ng kilig, new crushes, at pagiging expressive mo sa feelings. Enjoy mo lang, pero huwag hayaang puro emotions lang ang basehan. Mas okay kung makikita mo rin kung consistent siya, hindi lang sweet sa simula.

CAREER / STUDIES

Ang career house mo ay nasa Sagittarius, kaya gusto mong gumalaw na may direction, growth, at purpose. Naka-focus ka sa communication at learning dahil nandito din si Sun, Mercury, at Uranus sa 3rd house mo sa Gemini. Ibig sabihin, sobrang active ng isip mo at marami kang bagong ideas.

Magandang taon ito lalo na kung ang trabaho mo ay may kinalaman sa teaching, writing, speaking, online platforms, sales, marketing, o media. Kung hindi pa ganito ang work mo, posible na mapaisip ka kung paano mo maibabahagi ang ideas mo sa mas maraming tao.

Kung estudyante ka, pabor ito sa’yo. Mabilis kang matuto at madali mong na-e-express ang thoughts mo. Ang challenge lang, madali kang mawala sa focus dahil ang dami mong gustong gawin. Mas magiging productive ka kung may simple routine at malinaw na sistema kang susundin.

FINANCES

Nasa 2nd house mo si Mars, Saturn, at Chiron, kaya ngayong taon, mas magiging conscious ka pagdating sa pera. Minsan kahit may income ka naman, parang lagi mong nararamdaman na kulang. Malaki ang epekto dito ni Saturn, kasi pinapaalala niya sa’yo na maging mas responsible at maingat sa paggastos.

Dahil nasa Taurus si Mars, malakas ang drive mo na kumayod at maging consistent. Pero dahil may square aspect kay Pluto, may mga pagkakataong mararamdaman mong stuck ka o parang hindi ka nabibigyan ng tamang value ang efforts mo.

Mas okay kung gagawa ka ng long-term plan, gaya ng simpleng budget, savings goal, o income tracker. Mainam din kung binabalikan mo kung saan napupunta ang pera mo para hindi ka laging nangangamba.

Reminder lang, huwag kang bibili ng mga bagay para lang patunayan na kaya mo. Mas importante kung paano mo ginagamit at hinahawakan ang pera mo, at kung gaano ka ka-consistent sa efforts mo para sa future mo.

HEALTH

Nasa 1st house mo sa Aries si Neptune at naka-square siya kay Venus. Ibig sabihin, may tendency kang nagpapanggap na okay, kahit hindi na talaga. Kaya ngayong taon, bantayan mo yung limits mo at matutong humindi kapag kailangan.

Good news, may magandang connection si Moon kay Neptune, kaya mabilis kang makakabawi basta nagpapahinga ka nang maayos. Malaking tulong kung meron kang outlet tulad ng pagsusulat, pagdo-drawing, pakikinig ng music, simpleng paglalakad, o kahit quiet time lang.

Click to Chat