Nagkaayos at Nagkabalikan
Hello po, Sir Tata. Good evening po. May maganda na pong nangyari. Yung araw na nag-email po ako sa inyo, pagkagabi po nun ay nagchat po siya sa akin. Kinakamusta ako at nakikipag-usap patungkol sa sitwasyon namin. Okay na po kami, Sir Tata. Nagkaayos at nagkabalikan na din. Binigyan niya po ako ng chance, at mas napamahal po siya sa akin. Thank you po talaga sa tulong ninyo, at aware po ako na hindi lang ako dapat mag-depend dito. Parang road opener na din po ito sa akin, na mabibigyan ako ng bagong chance sa buhay din. Thank you po talaga!