Sagittarius Horoscope 2026 (Tagalog)

Paalala: Ito ay general prediction lang base sa galaw ng mga planeta ngayong 2026. Pwede kang makarelate, pwede ring hindi, kasi iba-iba pa rin ang epekto nito depende sa personal birth chart mo. Mas magiging accurate ang reading kung naka-base ito sa solar return chart gamit ang araw, oras, at lugar ng kapanganakan mo. Kung gusto mo ng personal na gabay para sa buong taon, paki-click na lang ng button sa ibaba.

RESERVE A SLOT

RELATIONSHIPS

Dahil Moon opposition Venus, posibleng masyado kang maging sensitive this year. Kahit sa maliliit na problema, madali kang maapektuhan, kaya ito yung kailangan mong ayusin para hindi lumaki ang issues sa love life mo ngayong taon.

Kung may karelasyon ka, may mga pagkakataon na hindi kayo magkaintindihan ng partner mo. Pero dahil naka-trine ang Moon sa Jupiter at Mars, kaya mo naman itong ayusin basta huwag lang patagalin yung tampuhan.

Kung single ka, may chance na may makilala kang bago at mabilis kayong mauwi sa relasyon. Paalala lang, kapag sobrang bilis ng simula, pwede ring sobrang bilis ng ending, kaya hinay-hinay lang. Kilalanin muna ang isa’t isa bago ka mag-invest ng feelings.

CAREER / STUDIES

Dahil naka-square ang Sun sa Mars at sa Jupiter, makakaramdam ka ng pressure sa area na ito this year. Mabilis ka ring mainis kapag hindi agad nangyayari yung gusto mo. Para maiwasan ang stress, ayusin mo yung schedule mo at maging realistic ka rin sa expectations mo.

Kung nagtatrabaho ka, pwedeng hindi agad mapansin yung effort mo, pero huwag kang panghinaan ng loob. Basta consistent ka, dedicated, at maaasahan sa output, mapapansin din nila yan eventually.

Kung nag-aaral ka, pwedeng mawalan ka ng gana, at kapag nagtagal, doon magsisimulang magpatong-patong yung mga gawain mo. Para bumalik yung momentum, ipaalala mo lang sa sarili mo na kailangan mo itong tapusin para marating yung mga pangarap mo.

FINANCES

Dahil naka-sextile ang Venus sa Jupiter, posibleng may mga pumasok na financial opportunities this year. Pero dahil naka-square ang Sun sa Jupiter, pwede kang mapagastos sa mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan o makagawa ng financial decision na pagsisihan mo sa huli.

Maganda naman ang pasok ng pera sa taong ito, pero mas safe kung may savings ka para sa future plans. Kung may offer na mukhang promising, pag-isipan mo muna, lalo na kung parang too good to be true.

Kung naghahanap ka ng extra income, magandang taon ito para sa’yo. Gamitin mo yung skills mo para kumita. Hindi man ganun kalaki agad, pwede itong maging tuloy-tuloy basta consistent ka.

HEALTH

Masyado kang magiging active this year dahil naka-conjunct ang Mars sa Jupiter. Pero dahil naka-square ang Sun sa Mars, pwedeng mauwi ito sa burnout o minor accident kung hindi ka mag-iingat.

Kung magkukulang ka sa pahinga this year, mabilis ka namang makakabawi dahil naka-trine ang Moon sa Jupiter at Mars. Pero hindi ibig sabihin nito na dapat mong abusuhin yung katawan mo.

Kung may matagal ka nang iniindang sakit, huwag mo nang hintaying lumala bago ka magpa-check up sa doktor.

Click to Chat