Capricorn Horoscope 2026 (Tagalog)

Paalala: Ito ay general prediction lang base sa galaw ng mga planeta ngayong 2026. Pwede kang makarelate, pwede ring hindi, kasi iba-iba pa rin ang epekto nito depende sa personal birth chart mo. Mas magiging accurate ang reading kung naka-base ito sa solar return chart gamit ang araw, oras, at lugar ng kapanganakan mo. Kung gusto mo ng personal na gabay para sa buong taon, paki-click na lang ng button sa ibaba.

RESERVE A SLOT

RELATIONSHIP

Naka-square ang Sun sa Neptune at Saturn, kaya medyo malabo ang expectations mo sa relasyon this 2026. Pwedeng mag-expect ka nang sobra, o kaya naman hindi ka pa sigurado sa mga gusto mo.

Kung may karelasyon ka, posible kang makaramdam ng pagod, lalo na kung ikaw na lang palagi ang nag-aadjust. Mas okay kung pag-usapan niyo na kung ano yung gusto at ayaw ninyo para malinaw kung saan papunta ang relasyon ninyo.

Kung single ka, pwedeng may dumating na love interest na hindi mo inaasahan dahil naka-conjunct ang Moon sa Uranus. Pero huwag ka agad sumugal kung hindi ka pa sigurado. Kilalanin mo muna at tingnan mo kung consistent siya.

CAREER / STUDIES

Naka-trine ang Sun sa Mars at Jupiter, kaya kahit busy ka this year, may sapat kang lakas at motivation para tapusin ang mga gawain. Pero dahil may square sa Saturn, pwedeng ma-delay yung results, kaya kailangan mo ng patience at consistency.

Kung nagtatrabaho ka, pwedeng hindi agad napapansin yung effort mo. Pero huwag kang panghinaan ng loob. Gawin mo lang yung part mo, kasi may reward din yan eventually.

Kung nag-aaral ka, kailangan mo ng time management. Sa dami ng kailangang aralin o tapusin, unahin mo muna yung urgent tasks at huwag kalimutan magpahinga.

FINANCES

Dahil naka-trine ang Mercury sa Jupiter, pwede kang makaisip ng bagong paraan para kumita o mag-invest. Pero dahil naka-square ang Moon sa Jupiter, posible kang maging padalos-dalos sa paggastos this year, at doon ka magkakaproblema sa pera kung hindi ka mag-iingat.

Kung may pinagkakakitaan ka na, okay naman ang daloy ng pera, pero mahalaga pa rin ang disiplina. Iwasan ang gastos para lang makasabay sa uso. Mas mabuti kung uunahin mo muna ang savings bago ang luho.

Kung wala ka pang stable na income, magandang taon ito para humanap ng sideline. Hindi kailangang malaki agad. Kahit paunti-unti, basta tuloy-tuloy ang pasok ng pera.

HEALTH

Dahil naka-conjunct ang Moon sa Uranus at naka-square ito sa Mars, pwedeng mas madalas ang pagkapagod o pagkakasakit kung hindi mo papakinggan ang katawan mo. Sa dami ng kailangang tapusin this year, siguraduhin mong may sapat kang pahinga para hindi ka maubos.

Paalala rin, kung may iniindang sakit, huwag mo itong ipagsawalang-bahala. Mas mabuting magpa-check up habang maaga pa para maagapan agad kung ano man ang problema.

Click to Chat