Pisces Horoscope 2026 (Tagalog)
RELATIONSHIPS
Ngayong 2026, sobrang active ng 8th house mo. Nandito ang Sun, Moon, Mercury, Venus, at North Node, lahat nasa Pisces. Ibig sabihin, mas lalalim ang mga relasyon mo ngayong taon. Mas focus ka sa trust, commitment, at emotional connection.
Kung single ka, may chance na mapasok ka sa seryosong relasyon. Kung may karelasyon ka naman, mas lalalim ang samahan ninyo. Pwedeng magkaroon ng mga heart-to-heart na pag-uusap na maglalapit pa sa inyo.
Posible rin na may bumalik mula sa past. Pwedeng ex, dating kaibigan, o kamag-anak na matagal mo nang hindi nakakausap.
Dahil magkalapit ang Venus, Moon, at Mercury, ingat sa pagiging sobrang sensitive, clingy, o mabilis mag-isip ng kung anu-ano. Bantayan ang mood swings at overthinking. Kung may gusto kang sabihin, piliin ang tamang timing at paraan para hindi lumala ang simpleng sitwasyon.
CAREER / STUDIES
Nasa Aries ang 10th house mo ngayong taon, kaya ang tema ng career mo ay action, leadership, at independence. Ang ruler ng Aries na si Mars ay nasa 7th house kasama si Pluto, kaya malaki ang epekto ng mga taong ka-deal mo sa trabaho o pag-aaral. Pwedeng magdala ito ng matibay na partnerships, pero may posibilidad din ng stress kung may power struggle sa pagitan ninyo.
Kung nagtatrabaho ka, magiging busy ka sa team projects at pakikipag-collaborate. Dahil may Mars square Uranus sa 10th house, mag-ingat sa biglaang pagbabago sa trabaho, gaya ng pagbabago sa policy, deadline, o roles. Maging mahinahon kung may misunderstanding sa team.
Kung nag-aaral ka, pwedeng magkaroon ng tampuhan sa group work o collaboration. Kaya para hindi lumala, ayusin agad ang usapan, roles, at expectations.
FINANCES
Posible na may perang dumating galing sa ibang tao, kasi ang 8th house ay konektado rin sa shared money, investments, at utang. Pwedeng bonus, financial assistance, o tax refund.
At dahil naka-trine si Jupiter mula sa 12th house sa mga planets mo sa Pisces, may chance na may support na darating na magiging sagot sa financial problem mo.
Para makaiwas sa problema, huwag mong hayaan na emotions ang magdikta sa spending habits mo. Mas okay kung uunahin mo ang savings, lalo na para sa health, emergencies, at future plans.
HEALTH
Dahil 8th house focused ang chart mo, mas magiging sensitive ka ngayong taon, lalo na emotionally at mentally. Dahil naka-conjunct sina Venus, Moon, at Mercury, mas mabilis kang maapektuhan ng mood at stress. Kapag hindi mo nailalabas ang nararamdaman mo, posible talagang tumaas ang anxiety.
Unahin mo ang peace of mind mo. Magpahinga kapag kailangan. Mag-social media break kung nakakaramdam ka ng pagod o overwhelm. Bawasan din ang mga bagay na nagdudulot ng overstimulation. At kung may physical health concern ka na matagal mo nang ini-ignore, magandang panahon ito para magpa-check up.
