Scorpio Horoscope 2026 (Tagalog)
RELATIONSHIPS
Dahil naka-conjunct ang Venus sa Sun at naka-square ito sa Pluto, mas madali kang maaapektuhan ng mga bagay na normally pinapalampas mo lang.
Kung may karelasyon ka, posibleng magkaroon ng tampuhan, lalo na kung pareho kayong may gustong baguhin sa isa’t isa. Okay lang maging honest para masabi kung ano ang kailangan mo, pero siguraduhin mong mahinahon yung pagkakasabi at maayos yung tono para maiwasan ang away.
Kung single ka, pwedeng may makilala ka na magugustuhan mo agad, pero nandun din yung takot na magtiwala agad. Kaya mas okay na dahan-dahanin mo muna at kilalanin siya nang mabuti bago ka mag-invest ng feelings.
CAREER / STUDIES
May pressure this year dahil naka-square ang Mercury kay Mars, pero dahil naka-trine ang Mars sa Saturn, kaya mo naman itong i-handle. Kailangan mo lang maging wise sa paggamit ng oras at energy mo para maging productive ka.
Kung nagtatrabaho ka, may mga taong hindi mo talaga feel. Makisama ka lang at huwag kang papadala sa inis kapag may ginawa silang hindi maganda. Piliin mo kung kailan ka magsasalita at kung kailan ka mananahimik.
Kung estudyante ka, mahihirapan kang mag-focus this year. Huwag mong pagsabay-sabayin lahat ng school works mo. Iwasan mo muna ang sobrang screen time at ibang distractions para makapagpahinga ka. Mahirap talagang mag-focus kapag pagod at stressed ka.
FINANCES
Dahil naka-square ang Mercury sa Jupiter, may mga decision ka sa pera this year na hindi masyadong napag-isipan. Warning ito para iwasan mo ang padalos-dalos na gastos na pwedeng pagsisihan mo sa huli.
Okay naman ang pasok ng pera, pero kailangan practical ka. Iwas muna sa gastos na hindi naman talaga kailangan. Kung may sobra, mas okay kung ilagay mo muna sa ipon o sa maliit na investment.
Kung wala ka pang stable income, magandang taon ito para mag-isip kung ano yung pwedeng pagkakitaan. Hindi kailangan malaki agad. Kahit maliit basta tuloy-tuloy ang pasok ng income at maingat ka sa paggastos, makakaluwag-luwag ka rin.
HEALTH
Dahil naka-trine ang Mars sa Saturn, magandang taon ito para magsimula ng healthy lifestyle kasi kaya mo itong panindigan.
Dahil naka-square ang Mercury sa Mars, kailangan mong mag-ingat kasi pwedeng tumaas ang stress level mo this year. Kapag pinabayaan mo yung stress, madali itong mag-manifest sa katawan mo, kaya siguraduhin mo na may sapat kang tulog araw-araw.
Kung may matagal ka nang iniindang sakit, panahon na para magpa-check up. Iwasan ang pagse-self medicate.
