Libra Horoscope 2026 (Tagalog)

Paalala: Ito ay general prediction lang base sa galaw ng mga planeta ngayong 2026. Pwede kang makarelate, pwede ring hindi, kasi iba-iba pa rin ang epekto nito depende sa personal birth chart mo. Mas magiging accurate ang reading kung naka-base ito sa solar return chart gamit ang araw, oras, at lugar ng kapanganakan mo. Kung gusto mo ng personal na gabay para sa buong taon, paki-click na lang ng button sa ibaba.

RESERVE A SLOT

RELATIONSHIPS

Ngayong 2026, dahil nasa 8th house ang Moon, Pluto, at North Node mo, mas magiging seryoso ka pagdating sa relationships. Hindi ka yung type na nagse-settle sa “pwede na”, mas hahanapin mo yung relasyon na may patutunguhan at malinaw na expectations para sa isa’t isa.

Kung may karelasyon ka, puwedeng mapag-usapan na ninyo yung mga problemang matagal ninyong iniiwasan, lalo na kung may trust issues. Pero dahil Moon trine Mercury sa 4th house, mas madali ninyo mapag-uusapan nang maayos ang mga issues na may kinalaman sa bahay at pamilya.

Kung single ka, pwedeng may makilala ka na hindi agad exciting sa simula, pero habang tumatagal, mapapansin mong magaan siyang kausap at okay siyang kasama. Posibleng hindi ito mauwi sa relasyon dahil may takot ka pa sa commitment, at okay lang yun. Huwag mong pilitin kung hindi ka pa talaga ready.

CAREER / STUDIES

Nasa 10th house mo ang Saturn at Chiron, tapos nasa 1st house ang Mars, kaya mas focused ka ngayon sa career at personal goals. Malakas yung drive mo to grow, pero may mga araw na tatamaan ka ng self-doubt, lalo na kapag nararamdaman mo yung pressure na “dapat may na-achieve na ako.”

Kung may trabaho ka, posible ang promotion o dagdag responsibilities. Kung estudyante ka, mataas yung motivation mo, kaya magandang taon ito para sa’yo.

Basta consistent ka, makikita mo rin yung results ng pinaghihirapan mo. Kaya mag-focus ka lang sa sarili mo at huwag mong ikumpara yung journey mo sa iba.

FINANCES

Nasa 2nd house ang Jupiter, kaya asahan ang financial growth sa 2026. May papasok na extra income, lalo na kung gagamitin mo yung skills mo o simpleng ideas na pwedeng pagkakitaan.

Dahil Moon opposite Jupiter sa 8th house, pwedeng maapektuhan ng emotions yung paggastos mo. Pero babalansehin naman ito ng Mercury sextile Jupiter, kaya mas pipiliin mong ilaan yung extra income sa savings, investments, o sa mga bagay na talagang kailangan mo.

HEALTH

Ipinapakita ng Mars sa 1st house na magiging busy at active ka this year, kaya importante na nakakapagpahinga ka rin nang maayos. Dahil Mars trine Neptune, malaking tulong yung calming routines tulad ng stretching, yoga, o paglalakad sa tahimik na lugar para makapag-recharge ka.

Paalala lang, dahil Mars opposite Pluto, puwedeng maapektuhan ang katawan mo kapag sobrang intense ng emotions mo. Kapag nararamdaman mong mabigat na, magpahinga ka muna at huwag mong pilitin yung sarili mo.

Click to Chat