Leo Horoscope 2026 (Tagalog)
RELATIONSHIPS
Dahil Venus square Mars sa 4th house, madali kang mairita kahit sa simpleng issue, lalo na kung may kinalaman sa pamilya o bahay. Kaya importante this year na maging kalmado at bantayan mo yung reactions mo para hindi mauwi sa away.
Kung may partner ka, may mga seryosong usapan tungkol sa roles, responsibilities, at boundaries. Maganda ’to kasi pwedeng mas tumibay pa ang relasyon ninyo, basta maingat ka sa mga salitang bibitawan at sa tono ng pananalita.
Kung single ka, posibleng may makilala kang taong maalaga, reliable, at organized. At dahil Moon sextile Venus, mas madali kang maging honest at open sa nararamdaman mo sa taong ’to.
CAREER / STUDIES
Career at daily routine ang biggest focus mo this year dahil Sun, Mercury, at Jupiter nasa 6th house. Ibig sabihin, mas magiging busy ka sa work or school, at posibleng tumaas yung expectations sa’yo, kaya kailangan mong maging mas organized.
Maganda yung Jupiter conjunct Sun sa 6th house kasi strong sign ito for growth. Pwede kang mag-level up, tulad ng better position, mas maraming clients, o bagong skills. Pero dahil Sun opposite Pluto sa 12th house, pwedeng lumabas yung old issues o habits na nakakasagabal sa progress mo, kaya bantayan mo yung patterns mo at iwasan yung self-sabotage.
Kung estudyante ka, pabor ang taon na ’to sa academic growth basta may discipline ka sa schedule at sapat ang pahinga. Mas okay na isa-isa mong tapusin yung tasks para mas maganda yung result.
FINANCES
Dahil nasa 4th house ang Mars at nasa 7th ang Venus, posible ang gastos na may kinalaman sa bahay o pamilya, kaya siguraduhin na may nakatabi kang pera para dito. Good news, pwedeng may pumasok na extra income dahil kay Jupiter sa 6th house, lalo na kung masipag ka o may side hustle.
Maging maingat din sa utang, ikaw man yung uutang o ikaw yung magpapautang. Dahil nasa 12th house ang Pluto at naka-opposite ito sa Sun at Jupiter, pwedeng magkaroon ito ng issue kung hindi malinaw ang usapan. Bago ka pumayag, linawin mo lahat ng detalye at mas okay kung may kasulatan. Kung hindi ka komportable sa setup, tumanggi ka na agad para iwas problema.
HEALTH
Dahil active ang 6th house, mas magiging busy ka sa mga pang-araw-araw mong gawain this year, kaya bantayan mo yung pahinga at health mo. Good news, dahil Jupiter trine Neptune, mas mabilis kang makaka-recover, basta hindi mo inaabuso yung katawan mo.
Mars sextile Saturn helps you build routines, kaya magandang taon ito para magsimula ng healthy lifestyle. Sapat na yung kumpletong tulog, mas healthy na pagkain, at 30-minute exercise kahit 2 to 3 times a week.
Dahil Moon nasa Scorpio sa 9th house, malaki ang epekto ng emotions mo sa mental at physical health mo. Kaya malaking tulong sa’yo yung journaling, prayer, meditation, o paglayo muna sa gulo para makapag-recharge.
