Aquarius Horoscope 2026 (Tagalog)

Paalala: Ito ay general prediction lang base sa galaw ng mga planeta ngayong 2026. Pwede kang makarelate, pwede ring hindi, kasi iba-iba pa rin ang epekto nito depende sa personal birth chart mo. Mas magiging accurate ang reading kung naka-base ito sa solar return chart gamit ang araw, oras, at lugar ng kapanganakan mo. Kung gusto mo ng personal na gabay para sa buong taon, paki-click na lang ng button sa ibaba.

RESERVE A SLOT

RELATIONSHIPS

Nasa 3rd house ang mga personal planets mo, kaya makakaapekto sa relationships mo ang paraan mo ng pakikipag-communicate at kung paano mo inaayos ang mga hindi pagkakaintindihan.

May mga seryosong pag-uusap na pwedeng makaapekto sa takbo ng relasyon ninyo, either for the better or for the worse. Pero dahil nandiyan si Venus at Moon, mas malaki ang chance na magkaayos kayo kung pareho kayong makikinig at mag-a-adjust.

Kung single ka, posible kang makakilala ng taong ka-wavelength mo. Pwedeng magsimula yan online or dahil sa common interest. Pero bago ka magtiwala, kilalanin mo muna siya nang mabuti para maiwasan ang pagsisisi sa huli.

Ngayong taon, mas magiging open ka sa pakikipag-usap. Pero ingat sa pagiging prangka. Hindi lahat ng tao sanay sa diretsahang salita. Ayusin mo lang ang tono at timing para hindi sila masaktan.

CAREER / STUDIES

Nasa career house mo ang Leo, kaya gusto mong mapansin at ma-appreciate ang effort mo. Dahil active din ang 3rd house mo, pwedeng mas gumanda ang takbo ng trabaho o pag-aaral mo basta consistent ka sa ginagawa mo araw-araw.

With Mars-Pluto conjunction sa 3rd house, sobrang driven ka, pero huwag mong i-push ang May Mars at Pluto sa 3rd house mo kaya sobrang driven ka ngayon. Pero paalala, huwag mong i-push ang sarili mo hanggang sa mapagod ka nang sobra.

Maganda ang taon na ito para i-level up ang communication skills mo, tulad ng paggawa ng reports, presentations, public speaking, o pagpi-pitch ng ideas. Kung may gusto kang simulan na side hustle, okay din ang timing, lalo na kung may kinalaman ito sa writing, teaching, tech, podcasting, o media.

Kung estudyante ka, maganda ang taon na ito para sa academic growth. Pero pwede ka ring ma-burnout dahil sa dami ng kailangang gawin. Para maiwasan ito, iwasan muna ang multitasking at limitahan ang extracurricular activities.

FINANCES

May Jupiter sa 8th house mo, kaya posibleng may pumasok na pera na hindi galing sa regular na kita. Puwedeng ito ay bonus, financial support, o shared money. Pero dahil retrograde si Jupiter, may chance na ma-delay ito o may kondisyon bago mo ito makuha.

Ingat lang sa pagiging sobrang generous. Ayos lang tumulong, pero hindi mo kailangang sagipin lahat ng may problema sa pera.

Kung may utang ka, magandang taon ito para simulan mo nang bayaran kahit paunti-unti. At kung may hinihintay kang financial assistance o settlement, may chance na umusad ito basta hindi ka titigil sa pag-follow up.

HEALTH

Dahil nasa dulo ng 6th house ang Uranus, posibleng may mga biglaang health surprises, lalo na kung napapabayaan mo ang katawan mo dahil sa trabaho o kakaisip. Ang kailangan mo lang dito ay balance.

Dominant ang 3rd house mo ngayong taon, kaya posibleng mabilis kang mapagod mentally. I-manage mo ang energy mo sa pamamagitan ng sapat na tulog, regular na exercise, at pag-iwas sa sobrang screen time kapag hindi naman kailangan.

Dahil nasa 5th house mo sina Saturn at Neptune, may tendency ka na magkunwaring okay kahit hindi. Walang masama sa paghingi ng tulong. Kung may mga tao kang pinagkakatiwalaan, okay lang lumapit sa kanila, lalo na kung sobrang bigat na ng dinadala mo.

Click to Chat