Taurus Horoscope 2026 (Tagalog)

Paalala: Ito ay general prediction lang base sa galaw ng mga planeta ngayong 2026. Pwede kang makarelate, pwede ring hindi, kasi iba-iba pa rin ang epekto nito depende sa personal birth chart mo. Mas magiging accurate ang reading kung naka-base ito sa solar return chart gamit ang araw, oras, at lugar ng kapanganakan mo. Kung gusto mo ng personal na gabay para sa buong taon, paki-click na lang ng button sa ibaba.

RESERVE A SLOT

RELATIONSHIPS

Ngayong 2026, mas expressive ka sa sarili mong paraan. Dahil nasa 3rd house ang Sun sa huling bahagi ng Aries, at may Mercury, Mars, Saturn, at Neptune sa 2nd house, nakatuon ang energy mo sa communication at personal values. Marami kang gustong sabihin, pero hindi lahat ng tao handang makinig o umintindi. Kaya ngayong taon, mas mainam na ayusin mo ang paraan ng pakikipag-usap, lalo na kung mabilis kang mainis kapag hindi ka agad nauunawaan.

Kung may partner ka, may mga seryosong pag-uusap kayong pagdadaanan. Pwede nitong mas gawing close kayo sa isa’t isa, pero posible rin na lumabas ang mga isyung matagal n’yong hindi napag-uusapan. Maging kalmado, at huwag mong pilitin na maintindihan ka niya kung hindi pa siya handa makinig.

Kung single ka, posible kang makakilala ng bago habang nagko-commute, may inaasikaso, o dahil pareho kayo ng hilig. Dahil kay Venus sa Taurus, may chance na mabilis kayong magkagaanan ng loob at mauwi agad sa relasyon. Pero dahil malapit si Uranus, pwedeng bigla ring mag-iba ang takbo ng sitwasyon. Kilalanin mo muna siyang mabuti bago ka magdesisyon.

CAREER / STUDIES

Ngayong taon, ang focus mo sa career o studies ay kung paano ka makakabuo ng isang bagay na matibay at may saysay. Dahil maraming planets ang nasa 2nd house mo, mas madalas mong itanong sa sarili kung sapat ba ang ginagawa mo at kung naaabot mo na ba yung standards na gusto mo. Hindi ito para sa validation ng iba, kundi para mapatunayan mo sa sarili mo na kaya mong tumayo sa sarili mong kakayahan.

Dahil magkasama si Mars at Saturn sa 2nd house mo sa Aries, malakas ang drive mo na maabot ang goals mo ngayong taon. Pwedeng may kinalaman ito sa promotion, personal project, o regular na income. Pero dahil may Neptune din sa area na ‘to, baka masyado kang mag-expect, kaya posibleng ma-pressure ka. Mas okay kung dahan-dahan pero tuloy-tuloy para hindi ka mapagod o mawalan ng gana.

Kung estudyante ka, malakas ang focus mo at mabilis kang maka-pick up ng impormasyon. Kailangan mo lang ng maayos na time management para may oras ka rin magpahinga at hindi ka agad mapagod.

FINANCES

Isa ito sa pinaka-highlight ng taon mo. Maaaring hindi ito taon ng malaking kita, pero maganda itong panahon para magsimula ng matibay na pundasyon para sa hinaharap.

Dahil maraming planets sa Aries sa 2nd house mo, posible na mabilis kang mainip at gusto mong agad makita ang resulta ng mga ginagawa mo. Pero mas makakabuti kung may malinaw kang plano, makatotohanang goals, at consistent na effort. Kapag ganito ang approach mo, tuloy-tuloy ang progress kahit paunti-unti.

Mag-ingat din sa paggastos sa mga bagay na akala mo'y kailangan, pero sa totoo ay nabili mo lang dahil sa bugso ng damdamin. Dahil sa impluwensya ni Neptune, mas madali kang maakit sa mga bagay na "mukhang" good deal pero baka pagsisihan mo rin sa huli.

HEALTH

Kapag sobrang stress ka, pwedeng maapektuhan ang tulog mo, sumakit ang sikmura, o bumaba ang energy mo. Kaya importante na harapin mo ang stress nang maayos at umiwas sa mga bagay na alam mong nagpapabigat ng pakiramdam mo.

Buti na lang may magandang connection si Moon sa Mercury, Mars, at Saturn. Ibig sabihin, kung maayos ang routine at lifestyle mo, mas madali kang makakabawi. Ang kailangan lang ay consistency, kaya magsimula ka muna sa mga simpleng steps na kaya mong gawin araw-araw.

Nasa 12th house si Pluto, kaya makakatulong ang tahimik na oras para sa sarili. Gamitin ito para makapag-reflect at makalayo muna sa gulo. Sa ganitong paraan, mas gagaan ang pakiramdam mo at mas magiging maayos ang overall well-being mo.

Click to Chat