Paano Ba Bibitaw sa Isang Toxic na Relasyon - Ito na ang Sign Mo!!!


May mga tao talaga na nahihirapang kumalas mula sa kanilang kabiyak kahit na paulet-ulet na silang sinasaktan nito. Ang ilan sa kanila ay umaasa pang magbabago ang kanilang kasintahan habang ang iba naman ay natatakot lang talagang maiwanang mag-isa.

Kung nandito ka ngayon, maaaring ito na ang senyales upang wakasan ang relasyon na yan at simulang paghilumin ang sariling pinabayaan mo dahil sa maling tao.

Alam ko na magiging mahirap para ito sa iyo kaya hayaan mo na tulungan kita na simulang baguhin ang iyong sitwasyon. Hindi pa huli ang lahat para gawin ito ngunit kung palalampasin mo ang pagkakataon na ito, tiyak na mas magiging mahirap para sa iyong tumalikod sa taong nagiging dahilan na ng iyong mga pasakit.

Alam kong normal lamang na maharap sa mga pagsubok ang mga magkasintahan. Ngunit tanungin mo ang sarili mo, “Nakakatulong ba ang mga problemang pinagdaanan ninyo na mapatatag ang inyong relasyon?” Kung lumipas na ang maraming taon na kabaliktaran ang nangyari, hindi kaya umaasa ka na lang sa wala?

Huwag mong hintayin na magising ka na lang isang araw na hindi mo na kilala ang iyong sarili, na hindi mo na pala natupad ang mga pangarap mo, na nawasak na rin pati ang relasyon mo sa iyong mga mahal sa buhay, bago ka makapagdesisyong itama ang iyong sitwasyon.

Kung alam mo sa iyong sarili na magiging mahirap para sa iyong mag-move on pagkatapos mong tumalikod sa kaniya, makakatulong ang mga ito sa iyo:

1. Kung hindi mo pa kayang itapon ang lahat ng bagay na makakapagpaalala sa kaniya, itago mo muna sa lugar na hindi mo makikita. At kapag ginawa mo yan, sikapin mo na hindi tingnan ang mga bagay na yan hanggang sa maging maging okay ka na. At kapag healed ka na emotionally, nasa sa iyo na ang desisyon ko iki-keep mo pa sila o itatapon na.

2. Putulin mo ang inyong komunikasyon. I-block mo siya sa social media accounts mo, at maging sa iyong phone. Mas mainam nga na i-deactivate mo muna ang mga social media accounts mo lalo na kung marami kayong mutual friends. Makakatulong ito para makalimutan mo siya.

3. Iwasan munang pag-usapan siya hangga’t maaari, Sabihan mo rin ang ang mga kaibigan mo at kapamilya na huwag banggitin ang anumang patungkol sa kaniya. Kung lagi kasi siyang bukambibig mo, mahihirapan ka talaga na makapag-let go.

4. Tao ka kaya normal lang na maalala siya. Alam ko ang iniisip mo kaya magtimpi ka. Huwag na huwag mo siyang tatawagan, ite-text o ipi-pm sa Facebook at pagkatapos ay sasabihin mo sa kaniyang wrong sent ka lang. Kung ako sa’yo, ibaling mo na lang yang atensyon mo sa mga bagay na magbibigay sa iyo ng peace of mind. Ipagpatuloy mo lang na gawin yan hanggang sa maging madali na para sa iyong tanggapin na wala na talaga siya.

5. Paano kung magparamdam sa iyo o balikan ka? Nasa sa iyo na yan pero papaalalahanan lang kita na yang tao na yan ang naging dahilan ng luha mo. Kaya pag-isipan mong mabuti. Kung bibigyan mo talaga siya ng tiyansa, baka pwedeng patunayan muna niya sa iyong nagbago na siya bago mo siya ulet papasukin sa buhay mo. Nasa sa iyo yan basta siguraduhin mong kaya mo na ang sarili mo kapag napunta ka ulet sa sitwasyong pinagdadaanan mo ngayon.

6. Hindi mo na kaya? Gusto mong umiyak? Huwag mong pigilan yan dahil normal yan. Hindi yan makakasagabal sa healing process.

7. Hindi mo kakayaning mag-isa yan kaya paligiran mo ang iyong sarili ng mga magpapatawa o magpapagaan ng kalooban mo. Umiwas ka na lang muna sa mga taong hihilahin kang pababa imbes na iangat ka.

8. May nakalimutan pa ba ako? Ay, mayroon pa pala. Ito yung panahon para paglaanan mo ng maraming panahon ang sarili mo. Magpagupit ka, bumili ng bagong damit… I-pamper mo yang sarili mo dahil wala namang gagawa niyan para sa iyo kung hindi ikaw lang. Tandaan na kapag nasanay kang inaaruga ang iyong sarili, bababa ang tiyansa na magsayang ka ng panahon sa mga taong iti-take ka lang for granted.

Sana makatulong ang mga tips na ito, at kapag nakapag-move on ka na, sana ay maging aral na ang karanasan na mayroon ka para hindi na pumayag ulet na mag-settle for less.



GInawa ko ang "The Spirits Talk" upang i-channel ang mge mensahe ng aking mga butihing ispiritong gabay upang magbigay ng kaliwanagan sa mga taong nangangailangan nito. Kung ikaw ay may pinagdadaanan ngayon at kailangan ng payo, maaari mong punan ang form sa ibaba. Gagawin ko ang aking makakaya upang mabigyan yan ng kasagutan sa "The Spirits Talk."

QUICK TAROT READINGS

The Spirits Talk

Let Go of that Toxic Relationship - This is Your Sign!!!

If you are here now, this may be a sign to end that relationship and start healing yourself. I know it will be difficult for you, so let me ...

Follow Me on Facebook

Social Media

Description Here