Maraming psychic readers online ngayon, kaya mahalagang malaman ang mga palatandaan ng mga pekeng psychic upang maiwasang maloko.
1. Cold Reading
Kapag sinabing cold reading, ito ay isang paraan kung saan inaayon ng isang psychic ang kanyang mga readings base sa mga isinasagot mo sa kanyang mga tanong. Alam ng mga totoong may kakayahan ang basic rule na ito: isagawa muna ang readings bago hayaang magkwento ang client. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagbibigay ng bias na readings.
2. Contradicting Readings
Kapag may mga sinabi siyang hindi nagtutugma, huwag kang mahihiyang itama siya. Kung magagalit pa siya, hayaan mo siyang tapusin ang session, pero nasa iyo na kung babalik ka pa. May mga pagkakataong nagkakamali ang delivery ng message dahil nakakapagod din ang mag-tap sa psychic abilities. Kung alam niya ang kanyang ginagawa, mag-a-apologize siya at itatama ito.
3. Pananakot na Nauuwi sa...
Ang ethical na psychic ay hindi kailanman magbibigay ng mga nakakatakot na readings para lang bumili ka ng mga charms niya o magpagawa ng ritwal sa kanya. Kung makaka-experience ka nito, sabihin mo na lang na babalikan mo siya dahil sakto lang ang budget mo, kahit hindi naman talaga totoo. Kukulitin ka niyan, at kapag nagsimula na siyang harasin ka, ipa-barangay mo para tumigil na siya sa ginagawa niya. Maaari mo ring i-report sa telecommuication service provider ang mobile number niya para ma-deactivate ito.
4. Paninisi
Totoo na may nagiging kontribusyon tayo sa mga pangyayari sa buhay natin, pero mali kung ipamumukha sa iyo ng isang psychic reader ang mga pagkakamali mo. Ang goal ay bigyan ka ng peace of mind, hindi para pasamain ang loob mo. Walang problema kung ipapaalam niya sa iyo ang mga ito as long na maayos ang paraan, at higit sa lahat, bibigyan ka rin ng insights kung paano ito ia-address. Nandun pa rin dapat ang compassion at empathy.
5. Mga Problemang Walang Solusyon
Maaaring naa-amaze ka dahil natutumbok niya ang mga issues, pero ang tanong, may nababanggit ba siyang solusyon? Ang isang konsultasyon sa isang psychic ay dapat na uplifting. Kung natapos ang session na magulo pa rin ang isip mo, mag-isip-isip ka na kung babalik ka pa sa kanya.
6. Mas Marami ang Hula Kaysa sa Tama
Walang perpektong psychics. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay stable ang connection nila sa Divine wisdom. Kaya nga kung masama ang pakiramdam nila o pagod sila, hindi sila nagka-conduct ng readings. Kung after lang siya sa kikitain, tatanggap 'yan ng reading requests kahit hindi siya physically and spiritual stable. Kung mararanasan mo ito, magbigay ka ng feedback para aware siya at ma-improve ang serbisyo niya. Kung mamasamain niya, malinaw na sign na iyon na dapat ka nang maghanap ng ibang psychic.
Ngayong alam mo na ang mga dapat iwasan, i-share mo ito sa kaibigan mong mahilig magpa-Tarot reading. Sa ganitong paraan, mapipigilan natin ang paglaganap ng ganitong gawain at magagabayan natin ang mga tao patungo sa mga psychic na tunay na makakatulong sa kanila.