Ang gayuma sa pag-ibig ay hindi likas na masama. Sa katunayan, ang epekto nito ay nakasalalay sa pamamaraan ng paggawa at sa intensyon ng gumagamit. Kaya bago sumubok ng ritwal o orasyon na napapanood sa YouTube o TikTok, mahalagang unawain ang tamang proseso upang matiyak na makakamit ang layunin nang walang negatibong epekto sa iyo o sa iba.
Mga Gabay Para sa Ligtas at Mabisang Gayuma
1. Simulan sa isang psychic reading:
Bago gumawa ng anumang ritwal, mahalagang malaman kung ano ang tunay na nararamdaman ng taong gagawan ng gayuma. Kung wala siyang nararamdaman para sa iyo o kung siya’y may karelasyon na, maaaring maging panandalian lamang ang epekto ng ritwal at magdulot pa ng hindi magandang resulta.
Ang psychic reading ay makakatulong din upang matukoy ang layunin ng ritwal, ang tamang panahon ng paghihintay sa resulta, at ang mga hakbang na dapat mong gawin upang hindi makasagabal sa proseso. Sa ganitong paraan, mas magiging maayos at epektibo ang ritwal na isasagawa.
2. Malinis ang intensyon:
Kung gagawin mo ang isang ritwal para lang paglaruan ang damdamin ng isang tao, kahit ito ay paraan upang makuha ang hustisya sa ginawa niyang pananakit sa iyo, tatalab pa rin naman ito. Gayunpaman, tandaan na hindi ka kailanman makakatakas sa masamang balik nito. At kung hindi man ikaw ang direktang makaranas ng epekto, asahan mong sasaluhin ito ng iyong mahal sa buhay.
At tandan na ang masamang balik ay maaaring dumating sa iba't ibang anyo – tulad ng sakit, kamalasan, o iba pang hindi magandang pangyayari.
3. Buong pagtitiwala sa ritwal:
Kung may duda ka sa mga bagay na kagaya nito, huwag ka na lang tumuloy dahil magsasayang ka lang ng panahon. Yan ay dahil komokontra sa bisa ng ritwal ang pagdududa ng taong gumagawa o nagpapagawa nito.
4. Tamang materyales:
May rules na sinusunod para makasigurong mag-a-align ang epekto ng ritwal sa gusto mo. Halimbawa, pagdating sa kulay ng kandila, may tamang kulay para diyan. Kung gagamit naman ng mga bagay na nakikita sa kalikasan tulad ng kristal o herbs, mahalagang maingat na piliin ang mga ito upang makabuo ng isang magandang kombinasyon. Ang bawat bagay na gagamitin ay may natatanging enerhiya, kaya’t kinakailangan ng tamang kaalaman upang masigurong angkop ang mga ito sa ritwal na isasagawa.
At ang lahat ng yan ay inaaral nang mabuti. Hindi porket available na ang lahat ng impormasyon sa internet ay basta ka na lang gagawa ng ritwal. Tandaan, maraming kaalaman na ibinabahagi ngayon online na wala talagang basehan. Halimbawa na lang ang paggamit ng bawang sa gayuma. Subukan mong gawin yan at ginagarantiya ko sa iyo na lalo kang lalayuan ng taong gusto mo. Hindi naman kasi for love attraction yan – para sa pantaboy yan ng masasamang elemento.
5. Matibay na espiritwal na depensa:
Hindi magiging stable ang epekto ng anumang ritwal kung wala itong positive na source of power, at hindi sasailalim sa cleansing at protection ang gagawa nito. Kaya mahalaga na, kung magpapagawa ka ng ritwal sa iba, tapat niyang ipapaalam sa iyo kung paano niya isasagawa ang ritwal. Sa ganitong paraan, masisiguro mong ligtas at epektibo ito.
Kung isa ka sa gumagawa ng free love spells para pabalikin ang isang tao at napapansin mong mas lumalala ang iyong sitwasyon, maaaring panahon na upang pag-isipang itigil ito at magpagawa na lamang sa isang eksperto. Tiyakin lamang na ang hihingan mo ng tulong ay may kakayahang ipaliwanag nang maayos ang kanyang proseso at hindi ito sumasalungat sa iyong espiritwal na paniniwala.
Alamin ang posibleng masamang epekto ng maling paggamit ng gayuma dito: https://www.babaylanadlaw.com/p/palatandaan-na-nagayuma-ang-isang-tao.html