Totoo ba ang Gayuma?

Main Posts Background Image

Main Posts Background Image

Totoo ba ang Gayuma?

Marami pa rin sa ating mga Pilipino ang naniniwala sa gayuma. Sa kasalukuyan, hindi na lamang ito makikita sa Quiapo kundi maging online. Gayunpaman, marami pa rin ang nagtatanong: totoo nga ba ang gayuma? Balikan natin ang kasaysayan at mga pag-aaral tungkol dito upang mas maunawaan kung paano ito nagsimula at ginamit ng ating mga ninuno.

Ang Kasaysayan ng Gayuma sa Kulturang Pilipino

Bago pa dumating ang mga dayuhan, naniniwala na ang ating mga ninuno na ang lahat ng bagay ay nagtataglay ng espiritwal na enerhiya. Dahil dito, naging bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ang paggamit ng gayuma sa pag-ibig.

Halimbawa nito ang Jumaya, isang love potion mula sa Visayas na ginagamit ng mga kababaihan noon upang maakit ang kanilang minamahal. Mayroon din silang pangontra dito—ang buringot.

Isa pang halimbawa ay ang lumay, isang insenso na ginagamit upang pausukan ang damit ng taong nais gayumahin. Madalas daw itong inilalako ng mga Negrito noon.

Dahil sa pagiging malikhain ng ating mga ninuno, nagkaroon ng iba't ibang anyo ang gayuma—mula sa simpleng likidong inihahalo sa pagkain o inumin hanggang sa mga anting-anting na ngayon ay kaliwa't kanang ibinebenta sa Quiapo at maging sa mga online shopping websites.

Mga Kwento ng Gayuma mula sa Iba't Ibang Rehiyon

Sa Pangasinan, may isang kakaibang kwento tungkol sa isang agimat na makukuha lamang mula sa puso ng saging na nahuhulog tuwing hatinggabi. Hindi daw ito basta-basta nakukuha dahil kailangan mo munang harapin ang mga malignong magtatangkang agawin ito. Pinaniniwalaang nagbibigay ito ng matinding karisma sa taong magmamay-ari nito.

Samantala, sa Surigao del Norte, may isang paraan ng paggawa ng gayuma gamit ang mga halamang gamot tulad ng dahon ng Dischidia at buto ng Pandan. Patunay ito na hindi lamang sa Siquijor makikita ang tradisyon ng paggawa ng gayuma, kundi pati na rin sa iba pang lugar sa Pilipinas.

May Epekto ba Talaga ang Gayuma?

Kung, kagaya ng ating mga ninuno, malakas ang paniniwala mo na maibibigay ng gayuma ang iyong kahilingang mapabalik o mapaibig ang isang tao, tiyak na gagana ito. Gayunpaman, hindi sapat ang paniniwala lamang dahil mahalaga rin ang tamang proseso at mga materyales na gagamitin. Halimbawa, kung gagamit ka ng bawang sa panggagayuma, huwag kang magtaka kung maging mabaho ka (kagaya ng amoy ng bawang) sa paningin ng taong gusto mong paibigin o pabalikin. Kaya mag-ingat ka sa mga libreng ritwal o orasyon na nakikita mo sa YouTube o TikTok ngayon. Karamihan sa mga iyan ay hangad lang kumita mula sa ads at hindi talaga alam ang kanilang ginagawa.

Paalala Bago Gumamit ng Gayuma

Hindi masama ang gayuma, lalo na kung nagiging daan ito upang mabigyan ng pagkakataong mabuo ang mga pamilyang nasira. Positibo ang nagiging epekto nito kung tama ang proseso ng paggawa at maganda ang layunin ng gagamit. Kaya kung balak mong bumili ng love potion o magpagawa ng ritwal sa isang manggagayuma, siguraduhing kilalanin muna itong mabuti at tiyaking nagsasagawa ng psychic reading bago tanggapin ang iyong request. Sa ganitong paraan, makakasiguro kang hindi masasayang ang iyong ibabayad at wala itong magiging masamang epekto.

Kailan nga ba nagkakaroon ng hindi magandang epekto ang gayuma? Alamin ang sagot sa artikulong ito: https://www.babaylanadlaw.com/p/masamang-epekto-ng-gayuma.html


MATUTO PA

Error 404

The page you were looking for, could not be found. You may have typed the address incorrectly or you may have used an outdated link.

Go to Homepage