Mabisang Pangontra sa Masamang Epekto ng Maling Paggamit ng Gayuma
Ang hindi alam ng marami, ang gayuma ay hindi likas na masama. Sa katunayan, maaari itong magamit upang mabuo ang mga nasirang relasyon at pamilya, ngunit dapat itong isagawa nang tama at may positibong intensyon. Kaya’t mahalaga para sa akin na idaan muna ang bawat kahilingan sa isang free psychic reading bago ito tanggapin. Kapag nakita kong magkakaroon ng masamang epekto sa kliyente ang pinapagawa niyang gayuma, tatanggihan ko ang request at magbibigay ng mga alternatibong solusyon tulad ng detachment ritual para matulungan siyang makapag-move on.
Kaya naman lagi kong ipinapaalala sa mga kliyente na umiwas sa love spells mula sa YouTube o pagbili ng mga love potions na makikita sa mga online shopping platforms. Yan ay dahil ang maling paggamit ng gayuma ay maaaring magdulot ng negatibong epekto—hindi lamang sa target kundi pati na rin sa mismong gumagamit nito.
Alamin Kung Kailangan Mo ng Ritwal Kontra sa Gayuma
Ilagay ang detalye ng iyong sitwasyon sa form sa ibaba upang ma-assess ko kung talagang kailangan ba talaga ng ipapagamot ng ritwal kontra sa gayuma. Makakatanggap ka ng sagot sa loob ng 24 oras. Kung hindi mo makita ang aking response sa iyong inbox, tingnan ang iyong spam folder. Kung wala pa ring natanggap, mag-email sa babaylanadlaw@gmail.com. Makakaasa ka na ang anumang impormasyon na ibabahagi mo ay mananatiling kumpidensyal.
Mga Senyales ng Maling Paggamit ng Gayuma at Mga Posibleng Epekto Nito
1. Kung Biktima ng Maling Paggamit ng Gayuma
•Obsession at Pagpapabaya sa Sarili: Halimbawa, may kliyente akong hinawakan kung saan ang kanyang mister ay hindi na umuuwi sa pamilya, kahit buntis siya, dahil sa sobrang kagustuhang makasama ang nagpagayuma sa kanya.
•Hindi Maalis ang Pag-iisip sa Isang Tao: Isang kliyente ang nagpatulong dahil palagi niyang napapanaginipan ang kaibigan ng kanyang kapatid at nagkakaroon siya ng hindi tamang pagnanasa rito. Pagkatapos ng spiritual cleansing, bumalik siya sa normal, at hindi na muling bumalik ang taong iyon sa kanilang bahay.
2. Kung Nag-backfire ang Isang Gayuma
•Pagbagsak ng Pisikal na Kondisyon: Hindi ka nakakakain, nahihirapang makatulog, o nagkakaroon ng pisikal na sintomas ng stress dahil sa labis na pagkahumaling mo sa isang taong ginayuma o pinagayuma.
•Laging Inaalat ang Love Life: Maaaring naka-move on ka na, pero palagi kang nabibigo sa pag-ibig. Ang ganitong karmic effect ay mabilis mong malampasan sa tulong ng ritwal, lalo na kung handa kang magbago. Maaari ding ang pinagawa mong love-binding ritual noon, na hindi naman nararapat, ay nagdulot ng koneksyon sa pagitan mo at ng target, dahilan kung bakit hirap din siyang makahanap ng bagong partner.
•Nakakatakot na Spiritual Encounters: Halimbawa, may kliyente akong laging binabangungot at nakakaramdam ng presensya ng spirits. Lumabas sa aking reading na aksidente siyang nakatawag ng isang "incubus" dahil sa gayuma na pinagawa niya.