Sino si Babaylan Tata Adlaw?
Si Tata Adlaw, na kilala rin bilang Aris Moreno, ay nagmula sa isang pamilya ng mga mananambal sa Cavite. Nagsimula siyang mamulat sa kaniyang mga kakayahan noong siya ay pitong taong gulang, nang magkaroon siya ng pangitain na nagligtas sa buhay ng kaniyang pamilya.
Dahil lumaki siyang exposed sa healing practices ng kaniyang lola, sinubukan niyang manggamot kahit wala pang pormal na training. Nagsimula siya sa kaniyang sariling pamilya hanggang sa kalaunan ay siya na ang pumalit bilang manggagamot sa kanilang komunidad. Sa paglipas ng panahon, na-initiate siya bilang isang Reiki Master at Babaylan, na higit pang nagpalawak ng kaniyang kaalaman at kakayahan sa espiritwal na panggagamot.
Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ni Tata Adlaw ang pagbibigay ng gabay sa pamamagitan ng Tarot readings at espiritwal na panggagamot bilang bahagi ng kaniyang debosyon sa Lumikha. Para sa kaniya, ang gawain niyang ito ay isang paraan ng pagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap niya, na kaniyang naibabahagi rin sa kaniyang pamilya.
Upang mas mapalawak ang tulong na naibibigay niya, nagdesisyon siyang bumalik sa pag-aaral at kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Pharmacy. Layunin niyang pagsamahin ang kaalaman sa agham at espiritwalidad upang makapagpagaling ng iba’t ibang uri ng karamdaman—mula sa simpleng sakit hanggang sa mas malalaking problema sa kalusugan.
Read my personal blog here: Aris Moreno Blog
Follow Me on my Social Media Channels