Free Online Tagalog Horoscopes: Accurate nga Ba?
Ngayon, sobrang dami na ng daily at monthly horoscopes na lumalabas online. Kaya hindi na rin nakapagtataka na marami ang gumagamit nito bilang guide sa kanilang mga desisyon. Pero kung isa ka sa kanila, ingat lang, dahil pwedeng humantong sa pagsisisi ang mga desisyong ginawa mo base lang sa isang free at generalized horoscope.
Bakit Hindi Dapat Umasa sa Generalized Horoscope?
Kahit i-check mo pa ang current planetary positions at ang zodiac signs na kasama nila, hindi pa rin ito sapat para maging accurate ang forecast.
For example, kung titingnan mo ang image sa itaas, makikita mo na nasa Sagittarius ang Mercury sa 14°20'. So technically, pwede mong sabihin na auspicious time ito para sa mga Sagittarians pagdating sa studies, dahil si Mercury ay planet of communication and learning. Sa ganitong placement, mas madaling mag-share ng ideas at matuto ng bagong concepts.
Pero ang astrological interpretations ay hindi one-size-fits-all. Depende pa rin ito sa unique aspects ng birth chart mo. Let’s say nasa Sagittarius nga ang Mercury mo, pero may challenging aspect tulad ng square, pwedeng magkaroon ng communication issues. Pero kung trine naman ang aspect, mas mararamdaman mo ang positive effects ng Mercury in Sagittarius. Kaya hindi pwedeng i-base ang lahat sa isang generalized horoscope. Magkakaiba ang planetary aspects ng bawat tao.
Hindi Sapat ang Zodiac Sign Para Makilala ang Buong Personality
I’m a Pisces. That’s my Sun sign, o yung tinatawag nating zodiac sign. Ibig sabihin, sa basic personality ko, I’m sensitive, intuitive, and emotional. Pero hindi iyon sapat para sabihin na iyon na ang buong pagkatao ko. Kailangan pa ring isaalang-alang ang Rising Sign at Moon Sign.
Rising Sign or Ascendant
My Rising Sign is Cancer. Ito yung sign na nasa 1st house o nasa eastern horizon noong exact time and location ng birth ko. Dahil dito, kahit Pisces ako na naturally introverted, nakakaya kong makihalubilo at makiramdam sa emotions ng iba. Nakakatulong ang Cancer rising ko para mas maging warm, caring, at approachable sa ibang tao.
Moon Sign
Yung Moon sign ko naman ay Pisces din. So doble ang pagiging emotionally sensitive and intuitive ko. Ramdam na ramdam ko ang mood ng paligid ko, at to be honest, hindi ako mahilig sa mga biro na may pagka-insulting dahil may pagka-balat-sibuyas ako. Pero dahil aware na ako rito, natutunan ko nang i-handle ang ganitong tendencies, at malaking tulong ang natal chart sa process na iyon.
Bakit Mas Mainam ang Birth Chart Reading?
Kung gusto mong mas maintindihan ang sarili mo at ang mga posibleng mangyari sa buhay mo, mas mainam na magpa-birth chart reading kaysa umasa lang sa generalized horoscope. Mas personal ito dahil nakabase sa exact date, time, at place of birth mo.
Sa birth chart, mas makikita kung saan ka magaling, ano ang kailangan mong bantayan, at paano mo mas magagamit ang strengths mo para maging mas maayos ang direksyon ng buhay mo.