Batak Dungan: Ispiritwal na Panggagamot at Depensa

Bawat parte ng katawan natin ay may kanya-kanyang dungan o “soul.” Kapag mahina ang kapit ng dungan, puwede itong kumawala at makaapekto sa bahagi ng katawan na konektado rito. Halimbawa, kung ang dungan sa ulo ay kumawala, maaaring makaranas ng head injury o mga sakit na may kinalaman sa utak ang isang tao. Kaya habang bata pa lang, maganda nang maisailalim ito sa ritwal ng batak dungan para sa proteksyon. Bukod diyan, heto pa ang ilang usual signs na napapansin ko sa mga taong may kumawalang dungan:
1. Napaglalaruan ng Masasamang Elemento
May mga pasyente ako na bigla na lang nag-iba ang ugali—parang may sapi. Isa sa hindi ko malilimutan, sinaksak daw ng pasyente ang sarili niya pagkatapos kumain ng bayawak na alaga pala ng isang diwata. Dahil nasa malayo sila, picture at pangalan lang ang ginamit ko. Kinabukasan, bumalik na sa normal ang pasyente at wala siyang maalala sa nangyari.
2. Lapitin ng Aksidente
Aside sa unwanted spiritual encounters, napapansin ko din na mas lapitin sa aksidente ang mga taong may kumawalang dungan. Kaya nga highly recommended talaga ang batak dungan habang baby pa lang—para may spiritual shield habang lumalaki.
3. Laging Sakitin
Isa rin sa mga senyales ng mahinang dungan ay pagiging sakitin. Kaya kahit matanda na, okay pa ring magpa-batak dungan para ma-realign ang energies at mapalakas ang katawan.
Kung nararanasan mo ang mga ito—or kahit kapamilya mo—mas mabuting maagapan agad. Huwag mo nang hintayin pang lumala. Punan mo lang ang form sa ibaba para sa free consultation, at tingnan natin kung anong tulong ang pwede kong ibigay sa’yo. Kung hindi mo makita agad ang reply ko sa inbox, baka napunta ito sa spam o junk folder mo.