Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi naman talaga likas na masama ang gayuma sa pag-ibig kung hindi ito inaabuso. Sadya lang talagang may mga taong gumagamit ng mahika para sa pansariling interes. Pwede ring malinis ang intensyon pero kapag hindi nasusunod ang tamang proseso, nagkakaroon ito ng hindi magandang epekto.
Narito ang mga sintomas na makikita sa mga taong biktima ng MALING PAGGAMIT NG GAYUMA:
1. May pakiramdam na parang nililiyaban.
2. Hindi makapag-isip nang maayos.
3. Nawawalan ng gana sa pagkain na nauuwi sa pagkakasakit.
4. Nawawalan ng gana sa kaniyang kabiyak nang walang malinaw na dahilan.
5. At kung malala na, iiwanan niya ang mga mahal sa buhay maging ang kaniyang mga pangarap kapalit ng miserableng buhay kasama ang taong nagmamanipula sa kaniya.
Kung nakikita mo sa iyong sarili o sa iyong kabiyak ang ilan sa mga nabanggit na sintomas, makabubuting komunsulta muna sa isang psychic reader upang makasiguro. Maaari kasing may iba pang dahilan. Tiyakin lamang na mapagkakatiwalaan ang hihingan ng tulong dahil napakaraming mapagsamantala ngayon.
BASAHIN: Kailan Nga Ba Nagkakaroon ng Masamang Epekto ang Gayuma sa Pag-ibig?