Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang gayuma ay hindi lamang tumutukoy sa isang love potion na inihahalo sa pagkain o inumin. May iba't ibang uri pa ng pinakamalakas at pinakambisang gayuma na makakatulong sa atin na mapabalik ang lalaki o babaeng minamahal. Ilan sa mga ito ay ginagamitan ng mga sumusunod.
Pangalan at Larawan
Ito ay isang karaniwang uri ng gayuma na gumagamit ng pangalan na isinusulat sa isang papel o larawan ng taong nais paibigin o pabalikin, at iniipit ito sa ilalim ng unan. Base na rin sa aking obserbasyon sa mga taong nagpagawa ng ritwal sa akin, baliktad ang naging epekto nito - sila ang nagiging obsessed sa kanilang target.
Laway
Isang matandang paniniwala ng mga Pinoy na ang paglalagay ng laway sa pagkain o inumin ay makakapagpaamo sa isang tao. May iba pa ngang gumagamit ng iba pang body fluids kagaya ng kanilang pawis, menstrual blood, at semilya. Kaya naman mahirap tumanggap ng pagkain o inumin lalo na kung hindi mo kilala.
Buhok, Damit, at iba pang Gamit ng Taong Gagayumahin
May ilang manggagayuma na nanghihingi nito dahil sa paniniwalang mas magiging epektibo ang isang love spell kung galing mismo sa taong gagawan nito ang kanilang dadasalan o oorasyunan. Mas maganda pa nga raw na hindi pa nalabhan ang damit o salawal para mas kumapit ang epekto ng gayuma.
Pabango
Napakarami na ngayong kagaya nito na makikita sa Shopee o Lazada na sinasabing nagmula pa sa Siquijor. Marami rin ang makikita nito sa Baclaran at sa Quiapo. Hahaluan lang daw ito ng pabango at gagamitin sa tuwing makakasama ang taong gusto. Magagamit din daw ito sa negosyo para makaakit ng mga customers. Sa dami ng mga nagbebenta nito na naglipana sa internet, paano tayo makakasiguro na totoo ang binebenta nila?
Ilan lang ang mga 'yan sa napakaraming uri ng gayuma sa pag-ibig na mabibili na natin online. May mga nagsasabing epektibo at mayroon ding nadismaya dahil wala naman daw naging epekto. May ilan ngang nagsisi dahil lalo pa nitong napalala ang problema nila sa kanilang asawa.
Safe ba na Gumawa ng mga Libreng Ritwal sa Youtube at Bumili ng mga Gayuma na Nakikita lang sa Shopee o Lazada
May iilan sa mga kliyente ko na natuwa naman sa naging epekto ng mga iyan sa kanila, ngunit sa umpisa lang. Kalaunan daw kasi ay nawalan ng bisa at napansin nila na may masamang naging epekto ito sa kanila at sa taong pinaggamitan nila. Bakit nga ba nangyari ito?
Hindi kasi talaga safe na gumamit ng mga free love spells na nakikita lang sa internet. Sa tagal ko nang gumagawa ng mga ritwal, natutunan ko ang halaga ng pagkakaroon ng matibay na proteksyon. Hindi nila ituturo 'yan sa iyo dahil karamihan naman sa nagbabahagi ng mga ritwal na 'yan sa YouTube ay gusto lang kumita mula sa views at advertisements. Kung ayaw mong bulabugin ng masasamang elemento, mas makabubuti na magpagawa ka na lang sa isang manggagayuma na matagal na sa larangang ito.
At kung hihingi ka man ng tulong sa isang love spell caster, dapat na i-assess muna nito ang iyong sitwasyon sa pamamagitan ng isang psychic reading bago tanggapin ang iyong request. Hindi kasi lahat ng problema ay kayang solusyunan ng magic. Maraming factors na dapat isaalang-alang, kagaya ng totoong nararamdaman ng taong ipapagawa mo, kung may karelasyon o minamahal na ba siyang iba, at iba pang pwersa na maaaring pumapabor o tumututol sa iyong kagustuhan. Maituturing na isang RED FLAG kung basta na lang silang tumatanggap ng love spell requests nang hindi man lang dumadaan sa prosesong ito.
Hindi rin talaga advisable na bumili ng love potions at mga dinadasalang medalyon online. Kung talagang may malasakit sila sa iyo, aalamin muna nila ang sitwasyon bago ka pagbentahan para maiwasan na magkaroon 'yan ng negatibong epekto sa iyo.
Isa ka na rin ba sa mga sumubok niyan? Kung hindi pa nagkakaroon ng negatibong epekto sa iyo 'yan, huwag kang magpapakasiguro. Mas mabuti na yung agapan mo habang hindi pa huli ang lahat.