Capricorn Horoscope - Love, Money, Career and Health (Tagalog) | 22 December - 20 January





Ano ang purpose mo sa buhay?


Ang Capricorn ay tinaguruang sign of ambition dahil hindi ito titigil hanggang hindi niya naaabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Ang pangunahing misyon nila sa mundong ito ay ang disiplinahin at kontrolin ang kanilang sarili dahil yan lang ang tanging paraan upang maisakatuparan nila ang kanilang mga layunin sa buhay.

Ano ang mga zodiac signs na magandang maging karelasyon?


Mahalaga para sa mga taong ipinanganak na Capricorn na may kakayanan na kumita ng salapi ang kanilang makakapareha. Ito marahil ang dahilan kung bakit madalas silang nakakatagpo ng karelasyon sa lugar kung saan sila naghahanapbuhay.

Mapupuno ng kulay ang buhay pag-ibig kung pipili ng mga karelasyong Aries, Taurus, Cancer, Virgo, Scorpio, Capricorn at Pisces.

Sa anong larangan ka nababagay?


Masipag at madiskarte sa buhay ang mga Capricorns kaya naman madalas na napupuri ng kanilang employer.

Kung sila ang magiging employer, may tendency silang maging workaholic.

Ang pagiging disiplinado at masipag ang kanilang magiging daan upang maging matagumpay sa anumang larangan o karera na kanilang papasukin.

Dahil sentro ng kanilang buhay ang career, hindi na nakapagtataka kung marami silang magiging kaibigan na katrabaho.

Ilan lamang sa mga trabahong nababagay sa kanila ay administrator, politician, government official, manager, organizer, architect at engineer.

Ano ang mga pagsubok na madalas mong kakaharapin?


Nagda-drama ang isang Capricorn kapag hindi nagantimpalaan ang kaniyang pagsisikap o nabigo siyang makamit ang isang layunin. Dahil dito, madalas na nagiging toxic sila sa mga tao sa kanilang paligid. Hindi masamang maglabas ng sama ng loob sa iba ngunit kung palagian itong gagawin, asahan na lalayuan ka nila hanggang sa mawala na ang lahat ng taong nagmamalasakit sa iyo.

Pinaniniwalaan rin na minamaliit ng mga Capricorns ang mga taong sa tingin nila ay mas mababa kaysa sa kanila at kinaiingitan naman nila ang mga taong nakakaangat. Kung nasa ganitong vibration ka, makabubuti na baguhin ang ganitong pag-uugali dahil magdudulot lang yan ng problema sa iyong relasyon sa mga tao sa iyong paligid.

Ano ang dapat ingatan sa iyong kalusugan?


Ang tuhod ang parte ng katawan na dapat ingatan ng mga Capricorns. Umiwas mula sa mga aktibidad na makakasama sa mga kasu-kasuan.

Madalas rin nilang maging problema ang sakit sa balat dahil sa stress. Maiiwasan ito kung maglalaan ng sapat na oras para sa pagpapahinga at iinum ng maraming tubig.

Ingatan rin ang mga ngipin at buto dahil ilan rin ito sa mahihinang bahagi ng katawan. Kumain ng mga pagkaing mataas sa calcium.

FREE TIMELESS HOROSCOPE (Love, Money, Career and Health):


Please feel free to donate any amount you can for the free service you receive from me. Your contributions will encourage me to continue providing free services such as spiritual healing and tarot reading through this website and our Youtube channel (Mahikang Pinoy TV).

Subscribe to Our Youtube Channel:


Lucky Charms:

Follow Me on Facebook

Social Media

Description Here