Gayuma


Ano ang Gayuma?

Ang gayuma ay isang ritwal o spell na ginagamit para mapaibig, mapabalik, o mapaamo ang isang tao.

Hindi ito simpleng love potion na hinahalo sa pagkain o inumin. May iba’t ibang anyo ang gayuma, tulad ng paggamit ng pangalan, personal na gamit, laway, pabango, o langis.

Totoo ba ang Gayuma?

Ang epekto ng gayuma ay nakadepende sa tamang proseso at sa intensyon ng gumagawa nito. Kung tama ang pagkakagawa at malinis ang layunin, may posibilidad na gumana.

Kung mali naman ang sangkap, kulang sa proteksyon, o masama ang intensyon, pwedeng hindi maging maganda ang epekto o hindi tumagal ang bisa nito.

Ano ang mga Halimbawa ng Tradisyunal na Gayuma sa Pilipinas?

Noong panahon ng ating mga ninuno, malalim ang paniniwala na lahat ng bagay ay may espiritwal na enerhiya. Dahil dito, naging bahagi na ng kanilang pamumuhay ang paggamit ng gayuma lalo na pagdating sa usaping pag-ibig.

Sa Visayas, kilala ang Jumaya, isang love potion na ginagamit ng mga babae, at mayroon ding buringot na pangontra dito.

Mayroon ding lumay na inilalako ng mga Negrito, isang insenso na pinapausok sa damit ng taong nais gayumahin.

Sa Pangasinan, may kwento tungkol sa agimat na mabisang panggayuma na nagmumula raw sa puso ng saging na nahuhulog tuwing hatinggabi.

Sa Surigao del Norte naman, gumagamit sila ng mga halamang gamot tulad ng dahon ng Dischidia at buto ng pandan para gumawa ng love potion.

Masama ba ang Gumamit ng Gayuma?

Hindi masama ang gayuma kung ang layunin ay positibo, gaya ng pag-aayos ng relasyon o pagpapalapit ng dalawang taong may damdamin para sa isa’t isa.

Nagiging masama lang ito kapag ginamit para sa panlilinlang, paghihiganti, o kapag nakakasira ng isang relasyon. Kung masama ang intensyon, asahan ang hindi magandang balik sa iyo o sa mga mahal mo sa buhay.

Ano ang mga Palatandaan na Negatibo ang Epekto ng Gayuma?

Kapag hindi tama ang proseso o masama ang layunin, magkakaroon ito ng hindi magandang epekto.

Isa na diyan ang biglaang pagbabago ng ugali ng ginagayuma, kagaya ng pagiging iritable at mainitin ang ulo. Posible rin ang sobrang pagkahumaling sa nanggagayuma na humahantong sa pagpapabaya sa sarili.

Maaari ring maramdaman ang matinding pagod kahit sapat ang pahinga, kalituhan o hirap mag-focus, pananakit ng ulo o paninikip ng dibdib.

Minsan imbes na mapalapit ang target sa gumagayuma sa kaniya, mas lalo pa itong lumalayo o nagagalit.

Safe at Effective ba ang mga Free Rituals o Love Potions Online?

Sa panahon ngayon, laganap ang mga free rituals sa YouTube at TikTok. Marami ring love potions na mabibili online.

May ilan na nagsasabing epektibo ang mga ito sa simula, pero kadalasan panandalian lamang ang bisa. May mga pagkakataon ding mas lalong lumalala ang sitwasyon.

Tandaan na kung totoong manggagayuma ang kausap mo, uunahin niyang alamin ang sitwasyon mo sa pamamagitan ng psychic reading bago gumawa ng ritwal o magbenta ng panggayuma. Kapag agad niyang tinanggap ang request mo nang hindi muna ina-assess ang kalagayan mo, dapat ka nang magduda.

Pwede ba Talagang Kontrahin ang Gayuma?

Oo, pwede itong kontrahin, lalo na kung ginamit ito na may masamang intensyon.

Pinakakilala at simple ang paggamit ng asin. Pwede itong ihalo sa pampaligo sa loob ng pitong araw o isaboy sa dinaraanan ng biktima upang mapalaya siya mula sa impluwensya ng gayuma.

Ganunpaman, kung mabigat ang ritwal na ginawa, kailangan ng mas malakas na pangontra upang tuluyang ma-neutralize ang epekto nito.


MABISANG GAYUMA
Occult Shop Philippines
Click to Chat