Thanks, Tata, always. Please don't hesitate to email me should you have anything to say. Sobrang nagpapasalamat rin ako dahil isa sa mga obstacles—ang US visa—nakuha ko na! Nag-apply ako dito sa Rome, alam kong mahirap ma-approve kung nag-a-apply sa isang bansa kung saan hindi residente. In fact, yung nauna sa akin sa interview ay na-reject. Naku, pagdating sa akin, ang bilis at gaan ng interview. At yung consular officer, isa rin palang scholar of religion tulad ko! Thankful to the Lord and for your tremendous help, Tata! Alam mo yan. Praying for more blessings, especially as I research and write the dissertation.