Pagbabago ng Asawa at Mas Maayos na Relasyon
Update ko lang po kayo. Lately, mabait po ang husband ko sa akin. Binibigyan niya po kami ng oras ng mga anak namin. Kahit dun po siya umuuwi sa kapatid niya, sinusundo niya po kami dito sa bahay ng parents ko kapag may pupuntahan kami. Inaasikaso niya po lahat ng needs ng kids sa school. Tapos, yung mga tita daw po niya sa probinsya, hinahanap po ako, at sana daw po umuwi ako doon. Sabi po ng bestfriend ko, nag-improve daw siya ng mga 50%. Hindi na po siya suplado sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. May mga pagkakataon na nag-oopen up na rin ako sa kanya tungkol sa mga plano ko sa career ko, at nakikinig na po siya, hindi tulad ng dati na sinasagot niya lang ako ng "bahala ka kasi buhay mo naman ito." Above all, pinagdadasal ko po siya araw-araw. Nagnonovena po ako para sa kanya, nagsisindi ng kandila sa simbahan, at nagsisimba na rin po ako. Kahit ang mother ko po ay tumutulong na rin sa pagnovena. Pinapanatili ko lang po na maayos ang pag-uusap namin sa chat, lalo na kapag magkasama kami. Kinokontrol ko rin po ang sarili ko na hindi mag-react kapag may mga bagay akong nakikita na maaaring makapagpagalit. Maraming salamat po sa inyong tulong.