gayuma rituals

Gayuma: Kailangan Mo ba Talaga nito?


gayuma

Gumagawa na ako ng gayuma o ritwal sa pag-ibig simula pa noong 2009. Marami na rin akong natulungan na mapabalik ang kanilang ex, mapatino ang asawa nilang nagloloko, at mapaibig ang babae o lalaking kanilang nagugustuhan.

Sa mahigit sampung taon kong karanasan sa panggagayuma, marami na rin akong natutunan patungkol sa bagay na ito. Kaya naman hayaan ninyo akong ibahagi ang mga ‘yan sa inyo upang matulungan kayong makapagdesisyon kung magpapagawa ba kayo ng gayuma o tatanggapin na lang ang inyong sitwasyon.

Likas sa akin ang pagiging matulungin. Ganunpaman, pagdating sa paggawa ng gayuma sa pag-ibig, pinipili ko talagang mabuti ang mga taong tinutulungan ko. Kaya naman bago ko tanggapin ang isang request, idinadaan ko muna ito sa isang Tarot card reading upang malaman kung kaya pa bang maibigay ng isang ritwal ang katuparan ng isang petisyon at kung makakasiguro bang wala itong magiging masamang resulta. Kung hindi magiging paborable ang resulta, magbibigay ako ng ibang options kaya ng healing o detachment ritual upang matulungang makapag-move on ang aking kliyente. Maaari din namang bigyan ko rin siya ng option na makaakit ng karapat-dapat na lalaki o babaeng magbibigay sa kaniya ng kaligayahang kaniyang inaasam.

Dapat nating maunawaan na hindi talaga makokontrol ng gayuma ang damdamin at isip ng isang tao. Maaaring tumalab pa rin ito sa taong hindi ka naman talaga mahal ngunit asahan na magiging panandalian lamang ang epekto nito at tiyak na may kasama itong hindi kaaya-ayang epekto. Kaya nga dapat na malaman muna sa pamamagitan ng isang Tarot card reading kung may nararamdaman ba sa iyo ang taong pagagawan mo nito.

Paano naman kung nasa ilalim ng isang gayuma ang isang tao kaya biglang nawala ang pagmamahal nito sa iyo? Kung makokompirma ng mga baraha yan, kakailanganin lang na kontrahin ang gayuma na mauuwi sa pagkawala ng “fabricated love” na naidulot nito sa kaniya. Maaari ding itali na siya sa iyo, upang mailayo siya sa mga tukso at hindi na maging biktima pa ng gayuma ng iba.

Paano naman kung hindi siya nagayuma pero may naging kabit siya na naging dahilan ng inyong paghihiwalay? Kung ganito naman ang sitwasyon, kailangan pa rin idaan ito sa Tarot card reading upang malaman kung may pagmamahal pa ba ito sa iyo? At kung mayroon pa naman, maaari pang pabalikin sa iyo sa pamamagitan ng gayuma. Ang kabit niya ang naging dahilan ng inyong paghihiwalay kaya asahan na wala itong magiging masamang balik sa iyo. Ganunpaman, kung wala na talaga itong nararamdaman para sa iyo, asahan na tatanggihan ko ang iyong request at bibigyan kita ng ibang options.

Marahil ay malinaw na sa iyo ngayon kung tutuloy ka pa bang magpagawa ng gayuma o hindi na. Kung itutuloy mo yan, hayaan mong paalalahanan lang kita sa mga manggagayuma na nangangako ng mabilisang resulta. Huwag kang basta magtitiwala sa kanila lalo na kung tatanggapin nila ang iyong request nang hindi muna inaalam ang detalye ng iyong sitwasyon at ang pwedeng maging epekto ng ritwal sa iyo at sa gagawan nito. Iwasan mo rin ang mga libreng ritwal na nakikita sa internet dahil maaaring magkaroon ng hindi magandang epekto ang mga ‘yan sa iyo. Uulitin ko lang na mahalagang malaman muna sa pamamagitan ng psychic reading kung dapat at kaya pa bang idaan sa ritwal ang isang problema sa pag-ibig.

Kung nais mong malaman kung kaya pa bang idaan sa gayuma ang iyong request, punan lang ang form sa ibaba para sa libreng konsultasyon. Kung hindi makikita ang aking reply sa iyong inbox, pakitingnan na lang ng iyong spam folder. Kung wala pa rin, paki-email lang ako sa babaylanadlaw@gmail.com o mag-text sa +63 992 905 8252 (mag-text muna bago tumawag).

Kung hindi makikita ang form sa ibaba, i-click o i-tap lang ang link na ito: https://forms.gle/GyKSf2h1mrqQJ1Ce9

Contact Form

Send