Tradisyunal na Panggagamot sa Pilipinas

Bago pa man dumating ang mga dayuhan, may sarili ng sistema ng pagpapagaling ang ating mga ninuno sa pangunguna ng babaylan. Ang babaylan ay hindi lamang isang manggagamot kundi isa ring espiritwal na pinuno, tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng mga espiritu.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbago ang anyo ng panggagamot sa bansa. Dumating ang albularyo, manghihilot, medico, at faith healers, na siyang pumalit sa papel ng babaylan sa maraming komunidad. Ngayon, kahit may ospital at makabagong doktor na, marami pa ring Pilipino ang bumabalik sa tradisyunal na panggagamot dahil sa malalim na paniniwala sa bisa nito.

Albularyo

Ang albularyo ang madalas takbuhan ng mga may karamdaman sa probinsya. Sila ang “general practitioners” ng tradisyunal na medisina—para silang doktor ng mga tao pero gamit ang herbal na gamot, dasal, orasyon, at ritwal. Maraming albularyo ang nagmula sa pamilya ng manggagamot at namana ang kanilang kakayahan. Pinaniniwalaang binibigyan sila ng kapangyarihan ng Espiritu Santo o iba pang espiritwal na gabay.

Manghihilot

Dalawang klase ang hilot sa tradisyunal na medisina:

  • Manghihilot sa pagbubuntis at panganganak (Magpapaanak) – Tumatanggap ng mga buntis na walang access sa ospital. Marami silang alam na halamang gamot para sa prenatal at postnatal care.
  • Manghihilot sa katawan – Ginagamit para sa pilay, lamig, at masakit na katawan. Kadalasan, gumagamit sila ng langis ng niyog at mga halamang gamot habang minamasahe ang katawan ng pasyente.

Medico

Ang medico ay parang pinaghalong albularyo at modernong health worker. Bukod sa paggamit ng orasyon at halamang gamot, minsan ay gumagamit din sila ng makabagong medisina tulad ng gamot sa botika, acupuncture, at injection.

Mangluluop

Pinaghahalo-halo ang kalanghuga (isang uri ng kabibe mula sa freshwater o saltwater), asin (upang pahinain ang masasamang espiritu), benditang palaspas (piraso ng benditadong palaspas mula sa Linggo ng Palaspas), uling mula sa bao ng niyog, tingting, sa isang tin plate. Ang diagnosis ay batay sa anyo ng kalanghuga matapos ang ritwal ng luop.

Magtatawas

Ginagamit ang tawas para malaman kung ano ang sanhi ng karamdaman. Karaniwan itong ginagawa sa pamamagitan ng pagsusunog ng tawas sa kandila o tubig at pagbabasa ng nabubuong hugis.

Manghihila

Gumagamit ng langis ng niyog at tela para malaman kung may pilay, lamig, o problema sa katawan. Kung ang piraso ng dahon ng saging ay dumikit sa balat at mahirap itong hilahin, nangangahulugan ito ng problema sa bahaging iyon, tulad ng pilay o nabanat na kalamnan. Ang susunod na hakbang ay ang pagmamasahe ng apektadong bahagi.

Faith Healers

psychic surgery, faith healing, psychic surgeon, faith healer

Naniniwalang sila ay may espiritwal na kakayahang magpagaling. May iba’t ibang klase ng faith healers:

  • Psychic healers – Sinasabing kaya nilang gamutin ang isang tao kahit malayo.
  • Whisperers of prayers – Ginagamot ang pasyente sa pamamagitan ng bulong o dasal sa apektadong bahagi ng katawan.
  • Prayer blowers – Hinipan ang may sakit na bahagi ng katawan habang nagdarasal.
  • Anointers – Gumagamit ng laway sa may sakit na bahagi ng katawan bilang lunas.
  • Gumagamit ng krus o imahen – Ipinapahid o inilalagay sa katawan ng pasyente para mawala ang sakit.
  • Psychic surgeons – Pinaniniwalaang kaya nilang “operahan” ang katawan ng pasyente nang walang gamit na surgical tools.

Nanatiling buhay ang tradisyunal na panggagamot sa Pilipinas dahil sa malalim nitong kaugnayan sa kultura at espiritwalidad. Sa kabila ng pag-usbong ng modernong medisina, marami pa rin ang nagtitiwala sa bisa ng albularyo, manghihilot, medico, at faith healers, lalo na sa mga lugar na may limitadong access sa ospital.

Click to Chat