Asin Bilang Pangontra sa Maling Paggamit ng Gayuma



Ang gayuma ay kilala bilang isang paraan upang makuha ang pag-ibig o atensyon ng isang tao. Ngunit, hindi lahat ng gayuma ay may mabuting layunin. May mga ritwal o orasyon sa pag-ibig na ginagamit upang manipulahin ang damdamin ng iba, na nagdudulot ng hindi kanais-nais na epekto sa biktima. Sa mga ganitong pagkakataon, isa ang asin sa mga itinuturing na mabisang pangontra sa ganitong uri ng gayuma.

Alamin natin ang mga senyales na ang isang tao ay ginayuma sa maling paraan at ilan sa paraan kung paano ito pawalan ng bisa sa pamamagitan ng asin.

Paano Masasabi na Biktima ng Maling Paggamit ng Gayuma ang Isang Tao?

  • Obsession at Pagpapabaya sa Sarili: Ang biktima ay labis na nahuhumaling sa isang tao, na umaabot sa puntong pagpapabaya nito sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga responsibilidad.
  • Pagbagsak ng Pisikal na Kondisyon: Ang biktima ay maaaring makaranas ng mga pisikal na sintomas tulad ng kawalan ng ganang kumain, hirap sa pagtulog, o labis na stress.
  • Kawalan ng Karisma sa Iba: Hindi magiging kaaya-aya sa paningin ng iba ang biktima upang hindi na ito makawala mula sa taong gumagayuma sa kaniya.

Paano Makakatulong ang Asin?

Ang asin ay may kakayahang linisin ang negatibong enerhiya ng isang tao at putulin ang koneksyon ng isang spell na naglalayong manipulahin ang kaniyang damdamin at isipan. Ilan sa mga paraan ng paggamit ng asin para kontrahin ang gayumang naisagawa sa maling paraan ay ang mga sumusunod:

  1. Pagbabanlaw sa Pamamagitan ng Tubig na May Asin: Lagyan ng isang kutsara ng asin ang isang timba ng tubig na ipampapaligo ng biktima sa loob ng pitong araw na magkakasunod.
  2. Pagsaboy ng Asin sa Dinadaanan ng Biktima: Ilagay ang asin sa dinadaanan ng biktima at hayaang matapakan o malaktawan niya ito sa loob ng pitong araw.

May Limitasyon ba ang Bisa ng Asin?

May mga pagkakataon na hindi na kinakaya ng asin ang pagpapawalang bisa sa isang gayuma na ginawa sa hindi tamang paraan. Kaya nga mainam na dapat malaman muna ang pamamaraang ginamit ng gumawa nito. Halimbawa, kung ginamitan ng pag-aalay ng buhay ng hayop kagaya ng manok, kambing, o baboy, kailangan rin na gagamitan ng ganitong paraan ang pagpapawalang bisa dito.


LIBRENG KONSULTASYON
Click to Chat