Pinakamabisang Ritwal sa Pag-ibig para Mapabalik ang Ex, Mapatino ang Asawa, o Mapaibig ang Taong Gusto

Ako si Babaylan Tata Adlaw. Simula pa noong 2003, marami na akong natulungan sa usaping pag-ibig, gaya ng
pagpapabalik ng ex,
pagpapatino ng naglolokong kasintahan o asawa, at iba pang problema sa pag-ibig.
Importante sa akin ang kapakanan ng mga kliyente ko, kaya hindi ako basta-basta tumatanggap ng kahit anong
kahilingan, lalo na kung alam kong hindi ito makakabuti sa kanila.
Bago ako magsagawa ng ritwal, gumagawa muna ako ng Tarot reading para masiguro na dapat itong gawin at wala itong magiging
masamang epekto sa nagpapagawa, sa target, at pati na rin sa akin.
Kung hindi makita ang form sa ibaba, i-click o puntahan lang ang link na ito: https://forms.gle/BKZzCZtGQS8xQLwq9
MGA SAGOT SA MGA MADALAS ITANONG
- Paano ako makakasiguro na gagawin mo ang ritwal?
- May bayad ba ito?
- Kailan ko makikita ang resulta?
- Gaano katagal ang bisa ng gayuma?
- May masama ba itong epekto sa akin at sa pagagawan ko ng ritwal?
- Eepekto pa rin ba ito kahit malayo ako o hindi ako kasama sa ritwal?
- Paano kung magkalayo kami ng taong pagagawan ko ng ritwal?
- Kung magpapagawa ako sa’yo, may kailangan pa ba akong gawing ritwal?
- Paano kita makokontak?
- Malalaman ba ng target na pinagayuma ko siya?
- Malalaman mo ba kung ginayuma yung taong gusto kong pagawan ng ritwal?
Paano ako makakasiguro na gagawin mo ang ritwal?
Naiintindihan kita kung nagdududa ka, lalo na sa panahon ngayon na napakaraming scammers. Para makasiguro ka,
pwede mong basahin ang reviews ng mga naging kliyente ko.
Kapag magsisimula na ang ritwal, sasabihan kita through email. Habang ginagawa ang ritwal, pwede kang magpadala
ng mensahe sa akin sa email, Facebook, WhatsApp, o Instagram kung may tanong ka o kung kailangan mo ng
guidance.
Lagi naman akong online, kaya makakaasa ka na masasagot ko ang mensahe mo sa loob ng 24 oras.
Kapag tapos na ang ritwal, makakatanggap ka rin ng email mula sa akin.
May bayad ba ito?
Libre ang online consultation. Sa consultation, aalamin muna kung kaya pa bang idaan sa ritwal ang sitwasyon mo,
at kung makakabuti ba talaga ito sa’yo.
Hindi kasi lahat ng case ay basta tinatanggap. May mga sitwasyon na hindi na pwedeng idaan sa ritwal, o kaya
naman ay hindi na ito makakabuti para sa nagpapagawa.
Kapag tinanggap ang case mo at itutuloy ang ritwal, doon ka pa lang magbabayad. Gagamitin ito para sa mga
materyales na gagamitin sa ritwal, tulad ng candles, food offerings, at iba pang kailangan na iaalay sa mga
benevolent spirits na tutulong sa kahilingan mo.
Isang beses ka lang magbabayad. Kapag nabayaran na ang materials para sa one-month ritual, wala nang ibang
sisingilin.
Kailan ko makikita ang resulta?
Depende ito sa sitwasyon.
Kung nagkahiwalay kayo nang wala pang isang buwan, posibleng makita ang resulta sa loob ng dalawang linggo
hanggang isang buwan. Pero kung matagal na kayong hiwalay, minsan umaabot ng tatlong buwan o higit pa.
Kung ang ritwal naman ay para mapaibig ang isang tao, kadalasang may makikita ka ng epekto within two weeks,
lalo na kung malapit kayo sa isa’t isa at wala pa siyang ibang minamahal.
Pero tandaan, may mga kaso akong nahawakan na inabot ng halos isang taon bago umepekto dahil sobrang
komplikado na talaga ng sitwasyon bago sila humingi ng tulong sa akin.
Gaano katagal ang bisa ng gayuma?
Ginagawa ko ang ritwal sa loob ng isang buwan, kaya makakaasa ka na pangmatagalan ang epekto nito. Pero
nakadepende pa rin talaga sa’yo kung gaano katagal ang magiging epekto nito.
Nakakatulong ang gayuma para alisin ang mga balakid at buksan ang daan para magsimulang matupad ang
kahilingan mo. Pero kapag nangyari na yung gusto mo, nasa kamay mo na kung hanggang kailan ito tatagal.
Halimbawa, kung bumalik na sa’yo yung pinapabalik mo, pero ginawa mo pa rin yung mga bagay na alam mong
naging dahilan ng paghihiwalay ninyo noon, posible talagang maghiwalay ulit kayo.
Kaya huwag mong iaasa lahat sa ritual.
May masama ba itong epekto sa akin at sa pagagawan ko ng ritwal?
Kung mabuti naman ang intensyon mo at tinanggap ko ang case mo, makakaasa ka na wala itong magiging masamang
epekto sa iyo at sa pagagawan ng ritwal.
Nagkakaroon lang naman ng hindi magandang epekto ang gayuma o anumang ritwal sa pag-ibig kapag pinilit gawin
ang isang bagay na hindi na dapat gawin. Halimbawa, kung may masasaktan na inosenteng tao, o kung yung taong
gusto mong pabalikin ay may mahal na talagang iba.
Kaya mahalaga muna ang reading bago gumawa ng ritwal. Doon natin tinitingnan kung dapat ba talagang idaan sa
ritwal ang sitwasyon mo, at kung may pagmamahal pa ba sa iyo yung taong gusto mong pagawan ng ritwal.
Kung lumabas sa reading na hindi na ito dapat gawin, hindi ko tatanggapin ang case mo. Mas mabuti nang
tumanggi kaysa ipilit ang ritwal na pwedeng magdulot ng hindi magandang epekto.
LEARN MORE: May Masama bang Epekto ang Gayuma?
Eepekto pa rin ba ito kahit malayo ako o hindi ako kasama sa ritwal?
Oo, eepekto pa rin ito kahit nasa malayo ka o hindi ka makakasama sa mga ritwal.
Kaya ko hinihingi ang buong pangalan, date of birth, at litrato mo at ng taong pagagawan ng ritwal para
makakonekta ako nang maayos sa inyong dalawa.
Siguraduhin lang na susundin ang guidance na ibibigay ko para maiwasan ang mga bagay na pwedeng makasagabal
sa epekto ng ritwal.
Paano kung magkalayo kami ng taong pagagawan ko ng ritwal?
Hindi naman magiging problema kung magkalayo kayo.
Kaya ko hinihingi ang buong pangalan, date of birth, at litrato mo at ng taong pagagawan ng ritwal para
makakonekta ako nang maayos sa inyong dalawa, kahit saan pa kayo naroon.
Basta kumpleto ang details na hinihingi ko, magagawa pa rin ang ritwal kahit hindi kayo magkasama sa iisang
lugar.
Kung magpapagawa ako sa’yo, may kailangan pa ba akong gawing ritwal?
Ako ang gagawa ng lahat ng ritwal para sa’yo.
Hindi kita pagtitirikin ng kandila, hindi kita pag-uusalin ng orasyon, at hindi rin kita pag-aalayin ng kung
ano-ano.
Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang guidance na ibibigay ko bago magsimula ang ritwal. Ito ay para
maiwasan mong makagawa ng anumang bagay na pwedeng kumontra sa resulta ng ritual.
Paano kita makokontak?
Pwede mo akong kontakin through email, WhatsApp, Facebook page, o Instagram.
Lagi naman akong online, kaya makakaasa kang masasagot ko ang message mo. Kung hindi man ako makapag-reply
agad, sisiguraduhin kong makakasagot ako within 24 hours.
Please take note lang na bukod sa paggawa ng ritual, may full-time work din ako at may iba rin akong
clients. Pero rest assured, nagre-reply ako sa lahat ng messages sa loob ng 24 hours.
Malalaman ba ng target na pinagayuma ko siya?
Nasa sa iyo na 'yan. Kadalasan, nalalaman lang ng target kapag hindi naging maingat ang nagpapagawa.
Halimbawa, kung may access siya sa email, Facebook, Instagram, WhatsApp, o kahit anong communication channel
na ginagamit natin, posible niyang makita ang usapan natin.
Kaya kung magpapagawa ka, siguraduhin lang na private ang communication natin at wala siyang access sa mga
account na gagamitin mo sa pakikipag-usap sa akin.
Malalaman mo ba kung ginayuma yung taong gusto kong pagawan ng ritwal?
Oo, kasama na 'yan sa consultation. Kung may makita akong gayuma na involved, sasabihin ko naman agad sa'yo.
LEARN MORE: Palatandaan na Nagayuma ang Isang Tao Dahil sa Maling Pamamaraan