Paano Manggayuma Gamit ang Pangalan

Paano Manggayuma Gamit ang Pangalan

Sa larangan ng panggagayuma, ginagamit ang pangalan bilang connection sa target. Mas maraming impormasyon, mas malinaw ang koneksyon. Mas maganda kung alam mo rin ang petsa ng kapanganakan, o kung may hawak kang litrato, pirma, o personal na gamit niya. Pero kung pangalan lang ang meron ka, pwede pa rin naman. Ang tanong lang, kaya mo bang buhayin ang pangalan na iyon para maging koneksyon mo sa taong gagamitan mo ng gayuma?

Paano Ginagamit ang Pangalan sa Gayuma?

May tinatawag tayong sympathetic magic. Ito yung paniniwala na ang isang bagay ay pwedeng kumatawan sa isang tao. Kaya kung may papel, bote, manika, o kahit anong bagay na may pangalan ng target, maaari itong maging representasyon niya sa ritwal. Kung ano ang ginagawa sa bagay na iyon, iyon din ang ipinapadala sa taong ginagayuma.

Pero hindi ito kasingdali ng iniisip ng karamihan. Hindi sapat na isulat mo lang ang pangalan niya sa papel at asahan na tatalab agad ito. Kailangan munang ma-establish ang energetic connection. Parang may invisible na tali mula sa bagay na ginagamit mo papunta sa target mo.

Kapag mahina o mali ang connection, pwedeng hindi ito umepekto o pwedeng bumalik pa ito sa gumagawa. Kaya may mga taong nagdi-DIY love spell na imbes na yung target ang mahumaling sa kanila, sila pa ang lalong nahuhumaling. Nangyayari ito kapag hindi nila alam kung paano maayos na i-direct ang energy.

Maraming paraan para gamitin ang pangalan bilang connection. May gumagamit ng paulit-ulit na pagbigkas ng pangalan hanggang sa maramdaman nilang nakakonekta na sila sa target. May gumagamit ng visualization. Mayroon ding gumagamit ng tunog o meditation para makapasok sa altered state of consciousness.

Ilan lang iyan sa mga paraan, pero hindi ito natututunan sa isang upuan lang. Kailangan mong magbasa, magsanay, at maintindihan kung paano gumagalaw ang energy. Hindi biro ang bagay na ito dahil energy mo rin ang nakataya dito.

Kapag Marunong Ka Nang Kumonekta, Ano ang Susunod?

Sabihin nating natutunan mo na kung paano i-activate ang medium na magiging connection mo sa taong gusto mong paibigin o pabalikin. Hindi pa doon natatapos ang proseso.

Kailangan mo ring matutong magbasa ng sitwasyon sa pamamagitan ng psychic reading. Dito mo malalaman kung dapat bang ituloy ang ritwal, paano ito dapat gawin, at ano ang kailangang bantayan pagkatapos. Hindi lahat ng sitwasyon ay dapat idaan sa gayuma. Minsan, mas makakasama lang ito kaya makabubuting huwag nang ipilit pa.

Bukod diyan, kailangan mo ring matutong mag-cleanse at mag-protect. Mahalaga ito para makaiwas sa mga hindi kaaya-ayang pwersa o energy na maaaring manggulo habang ginagawa ang ritwal at pagkatapos nito.

Hindi sapat ang isang araw para matutunan ang lahat ng iyan. Hindi rin lahat ng kaalaman ay makukuha sa libro. Yung iba, natututunan lang sa paulit-ulit na pagsasanay at sariling karanasan. Sa totoo lang, hindi sapat ang isang taon para maging bihasa sa ganitong gawain.

Pwede Ba Kitang Turuan ng Buong Proseso?

Pwede naman, pero sa pamamagitan lang ng online mentoring. Abangan na lang ang mga lessons na ipo-post ko sa shop.babaylanadlaw.com.

Hindi ko pwedeng gawing bukas sa lahat ang buong proseso dahil madali itong abusuhin. Kapag napunta ito sa maling tao, pwedeng gamitin ito para mangmanipula, manakit, o pilitin ang isang tao na pumasok sa sitwasyong hindi naman niya gusto.

Ayoko ring madamay sa consequences ng maling paggamit ng ibang tao. Kaya kung gusto mong matuto, mas mabuting dumaan sa tamang gabay, tamang paliwanag, at tamang proseso. Hindi ito dapat ginagawa dahil lang curious ka o dahil may nabasa kang ritwal online.

Ang pangalan ay pwedeng maging connection sa gayuma, pero hindi sapat na isulat mo lang ito. Kailangan mong maintindihan kung paano ito buhayin at sundin ang tamang proseso para makaiwas sa anumang masamang balik sa iyo.

BASAHIN: Paano Gumawa ng Gayuma Para Sa Pag-ibig

Libreng Konsultasyon

Gusto mo bang mahalin ka rin ng taong gusto mo? O gusto mo bang magkabalikan kayo ng ex mo?

Punan mo lang ang form sa ibaba para malaman natin kung nababagay ang gayuma sa sitwasyon mo.

Libre ang consultation at confidential ang lahat ng impormasyong ibabahagi mo.

Kung hindi gumagana ang form sa ibaba, gamitin ang form na ito: https://forms.gle/BKZzCZtGQS8xQLwq9

Click to Chat