Paano I-develop ang Psychic Abilities Mo? (My Journey & Tips)

Recently, may nag-message sa akin with this question:

"I'm a Psychology graduate and we normally dismiss talking about these things. We believed that this will attract negative entities and against the teachings of the Bible. I'm just wondering if I have this gift as well? Can you develop this gift?"

Sobrang relate ako dito. Sa totoo lang, marami sa atin may psychic abilities — pero hindi lahat active. Minsan, dahil sa takot, o dahil sa upbringing natin, pinipili nating i-ignore siya.

Ngayon, gusto ko i-share kung paano ko na-discover at na-develop ang gifts ko. Baka makatulong din sa'yo kung gusto mo rin i-explore ang sarili mong abilities, whether for personal growth or spiritual journey.

1. Educate Yourself

Noong una, super takot ako. Strict ang tatay ko, sinasabi niya na gawa daw ito ng demonyo. Ako rin, active ako sa simbahan dati, kaya inisip ko na mali talaga siya.

Pero na-expose ako sa healing rituals ng lola ko. Siya yung gumagamot sa amin kapag may sakit kami. Doon ko nakita na kung gagamitin mo sa tama, hindi siya masama.

Nagkaroon din ako ng visions na biglang nagkatotoo — like yung bus accident na muntik na kaming mahulog sa bangin pa-Bicol. Grabe ‘yun, sobrang eye-opener.

Imbes na matakot, in-educate ko sarili ko. Nag-ipon ako ng newspaper clippings, sinulat ko sa journal ko. Mahilig din ako magbasa noon sa National Bookstore (buti hindi pa banned ang occult books noon 😄).

Dahan-dahan, na-overcome ko yung fear ko at naging mas open sa possibilities.

2. Find Your Deep Purpose

Noong bata pa ako, mahirap ang buhay namin. Walang permanent work si Papa, may sakit si Mama.

Naisip ko, kung matututo ako mag-divination, baka makatulong ako sa kanila at sa sarili ko.

Marami akong pangarap — gusto ko umasenso, gumaling si Mama, at matulungan ang pamilya ko.

Itinatak ko sa isip ko: gagamitin ko ‘to para sa personal growth ko at para makatulong sa pamilya. Hindi lang siya basta hobby or trip-trip lang.

3. Apply What You Learn

Unti-unti, in-apply ko lahat ng natutunan ko. Binigyan ako ng oracle card ng classmate ko noong high school, at doon ako nagsimula mag-practice.

Nagda-draw ako ng card almost daily para sa guidance sa mga decisions ko.

Later on, inaral ko rin ang astrology at numerology. Ginamit ko sila para ma-identify yung weaknesses ko na kailangan i-work on at strengths ko na puwedeng i-maximize.

Dahil sa guidance na nakuha ko, nakahanap ako ng trabaho, nakatulong sa family, at nakabalik ako sa pag-aaral.

Eventually, nung natutulungan ko na sarili ko at pamilya ko, nagsimula na rin akong tumulong sa iba. Ang sarap sa feeling makita silang makahanap ng direction at inner peace.

Doon ko na-realize na hindi masama ang gifts na ‘to. Nagiging masama lang sila kung ginagamit sa panloloko o panglalamang sa ibang tao.

4. Find the Right Guidance

Super important na may guide ka — mentors or community na aligned sa values mo.

Ingat sa mga “guru” na ginagamit lang ito for fame or power trip.

Pumili ka ng mentors na may tunay na wisdom at ginagamit ang gifts nila to help themselves and others genuinely, hindi lang for show.

Makikita mo kung sincere sila sa actions nila, hindi lang sa salita.

So, possible ba na may gift ka?

Yes! Lahat tayo meron.

Ang tanong: handa ka bang i-embrace ito at gamitin sa tama?

Sana makatulong sa'yo itong mga tips ko. Kung gusto mo ng guidance, stay tuned lang sa mga bago kong blog posts.

Remember: trust your journey, use your gifts with love, and always stay grounded.

Click to Chat