Mga Senyales na Psychic Ka
Alam mo ba na lahat ay tayo may innate psychic abilities? Ibig sabihin, kahit bago ka pa ipanganak, dala mo na talaga ang potential na ito. Pero hindi lahat ng tao pare-pareho ng natural gifts. May iba na mas strong sa visuals, may iba naman mas sensitive sa energy, emotions, o impressions. Para mas maintindihan mo kung ano ang meron ka, pag-usapan natin ang iba’t ibang uri ng psychic abilities.
Clairvoyance — “Clear Seeing”
Ito ang kakayahang makakita ng higit pa sa physical sight. Pwede mong makita ang auras, energies o minsan kahit spiritual entities. Halimbawa, nakakakita ka ng glow o kakaibang kulay sa paligid ng isang tao. Possibleng sign 'yan na meron kang clairvoyant ability.
Clairaudience — “Clear Hearing”
Ito naman ang kakayahang makatanggap ng messages through inner hearing. Minsan, parang may inner voice kang naririnig na nagsasabi ng “Huwag ka nang tumuloy” o may tunog kang nadidinig na wala namang obvious source. Kung nangyayari ito sa’yo, possible na clairaudient ka.
Clairsentience — “Clear Feeling”
Ito ang kakayahang makaramdam ng energy, emosyon, o spiritual presence mula sa isang tao, lugar o bagay. Madalas itong tinatawag na “gut feeling”. Halimbawa, nakakaramdam ka ng heaviness o uneasiness sa isang tao, at later on tama pala ang kutob mo.
Claircognizance — “Clear Knowing”
Claircognizance ay ang kakayahang magkaroon ng inner knowing o biglaang kaalaman kahit walang malinaw na pinagmulan. Para bang kusa kang may alam kung tama o mali ang isang bagay, kahit walang nagsabi o ebidensya. Madalas itong maranasan bilang sudden insights o realization.
Clairalience — “Clear Smelling”
May mga pagkakataon na nakakaaamoy ka ng kandila, bulaklak, o pabango kahit wala naman talagang source. Madalas, ito ay tanda ng presensya ng yumaong mahal sa buhay. Kapag hindi kaaya-aya ang naaamoy, maaari itong senyales ng negative spirits.
Clairgustance — “Clear Tasting”
Ito ang kakayahang makatikim ng isang flavor kahit wala ka namang kinakain. Halimbawa, bigla mong nalalasahan ang matamis o maalat na walang malinaw na pinagmumulan. Madalas, ito ay konektado sa messages mula sa iyong spirit guides.
Tandaan, hindi mo kailangang taglayin lahat ng abilities na ito para masabing psychically active ka. Ang mahalaga ay matutunan mong i-develop ang natural gift na meron ka. Sa ganitong paraan, mas makikilala mo ang sarili mo, makakagawa ka ng mas aligned na decisions, mai-improve ang relationships mo at makatulong rin sa iba.
Kung gusto mong gisingin at i-develop ang psychic abilities mo, puwede kang mag-enroll sa lesson ko na Unlocking Your Psychic Potential. Sa course na ito, tuturuan kita ng practical techniques, guided exercises, at protection methods para maging mas confident at safe ka habang ginagamit ang iyong spiritual gifts.