Okay na po kami
Ngayon lang po ako nagkaroon ng chance makapag-message sa inyo. Please hide my identity nalang po kung dadalhing post man po ninyo ung message ko na ito. Una sa lahat nagpapasalamat po ako sa Diyos at nadapa niya po ako sa inyo. Ito po ung 2nd na nanghihinge po ako ng tulong sa inyo. Ung una way back 2018 po. Tata, maraming maraming salamat po sa tulong ninyo. 2 weeks ago po napansin ko na po bumabalik na po ung lahat sa dati, hindi lang po un marami din po ako na-realize at natutunan doon sa program na binigay ninyo sa’kin, may mga bagay din po pala ako na kailangang baguhin sa aking sarili, at higit sa lahat natutunan ang pagpapakumbaba at tiwala sa Diyos. Tata, maraming maraming salamat po sa lahat lahat, sana po madami ka pa po matulungan at mapagbigay ng kagaya. Masaya na po ako ngayon at okay na po kami.. Lagi ko po tatandaan ang bilin ninyo na magsabi at tiela sa ating Panginoon.