Mahuhulaan ba ang Lindol Gamit ang Astrology?

Bilang taong mahilig sa astrology, gusto ko lang i-share ang pattern na napansin ko sa mga malalakas na lindol na nangyari kamakailan.

Pero bago natin pag-usapan ito, gusto ko lang linawin na hindi nadidiktahan ng mga planeta ang mga nangyayari sa mundo. Ang galaw o posisyon nila ay hindi dahilan ng mga lindol o kalamidad. Sa astrology, ang mga planetary movements ay parang orasan lang na nagpapakita kung kailan posibleng mangyari ang mga natural na cycle ng mundo.

Sa madaling salita, may mga cycle talaga ang Earth na paulit-ulit nangyayari sa takdang panahon. Kapag natapos ang isang cycle, babalik ulit ito. At ang mga posisyon ng mga planeta ay parang salamin lang ng mga cycle na iyon.


The Earthquakes That Showed a Pattern

  • September 30, 2025, 9:59 PM – magnitude 6.9, City of Bogo, Cebu
  • October 10, 2025, 9:43 AM – magnitude 7.4, Manay, Davao Oriental
  • October 10, 2025, later that day – magnitude 6.8, Manay, Davao Oriental
  • October 11, 2025, 10:32 PM – magnitude 6.0, Cagwait, Surigao del Sur
  • October 13, 2025, 1:06 AM – magnitude 5.8, City of Bogo, Cebu

Historical earthquakes in the Philippines:

  • 1976 Moro Gulf Earthquake – magnitude 8.1, nagdulot ng malaking tsunami
  • 1990 Luzon Earthquake – magnitude 7.8, matinding pinsala sa Baguio, Cabanatuan, at Dagupan

International reference:

  • 1952 Severo-Kurilisk Earthquake, Russia – magnitude 8.8 to 9.0

Pagkatapos kong tingnan ang astrological chart ng lahat ng ito, may lumabas na isang consistent pattern. Lahat sila ay may Neptune sextile Pluto sa chart.


Ano ang Ibig Sabihin ng Neptune Sextile Pluto

Sa astrology, tinatawag na aspect ang angle o distansya sa pagitan ng dalawang planeta. Kapag sextile, nasa 60 degrees apart sila. Karaniwan, kapag sextile, nagtutulungan ang dalawang planeta.

  • Neptune: may kinalaman sa tubig, bagyo, at mga natural na kalamidad
  • Pluto: konektado sa malalaking pagbabago, destruction, at rebirth

Kapag nagsi-sextile sila, pinagsasama nila ang kanilang enerhiya kaya mas lumalabas sa mundo ang mga pangyayaring may kinalaman sa malalaking pagbabago o release ng energy tulad ng mga lindol o tsunami.

Napansin ko rin na sa halos lahat ng nabanggit na lindol, ang Neptune sextile Pluto ay nasa zero-degree orb. Ibig sabihin halos eksaktong 60 degrees na ang pagitan nila. Kapag ganito kalapit, mas malakas ang effect ng aspect.

Bago pumasok ang exact zero-degree alignment noong June 30, 2025, nagkaroon ng magnitude 5.6 na lindol sa Balut Island, Davao Occidental noong June 24, 2025. Pagkatapos noon, tuloy-tuloy na ang mga malalakas na pagyanig.

Ayon sa data, ang zero-degree Neptune sextile Pluto ay magtatagal pa hanggang October 30, 2026.


A 100-Year Planetary Cycle

Ayon sa mga astrological sources, we are currently at the end of a 100-year Neptune–Pluto sextile cycle na nagsimula noong early 1940s. Tinatayang tatagal ito hanggang 2030s o early 2040s bago tuluyang mag-shift sa panibagong planetary phase. Ibig sabihin, nasa last stretch tayo ng alignment na ito na madalas konektado sa malalaking pagbabago sa mundo, sa environment, at sa lipunan.


Awareness, Not Fear

Ang mahalaga, tandaan natin na hindi ito dahilan ng lindol. Hindi gumagalaw ang mga planeta para magdulot ng sakuna. Ang astrology ay isang paraan lang para makita kung nasaan tayo sa natural na cycle ng Earth.

Habang ginagamit natin ang astrology bilang gabay, huwag nating kalimutan ang science. Laging mag-check ng updates mula sa PHIVOLCS. Tingnan ang mga reports kahit sa maliliit na pagyanig dahil minsan iyon na ang unang senyales na gumagalaw na ang lupa.

Ang layunin ko sa pag-share nito ay hindi para matakot tayo kundi para maging aware at handa. Nandyan ang astrology kaya gamitin natin ito bilang gabay habang patuloy tayong nagtitiwala sa siyensya.

BASAHIN: Free Online Tagalog Horoscopes: Accurate nga Ba?


BIRTH CHART ANALYSIS
Occult Shop Philippines
Click to Chat