Gayuma Para Mabaliw Siya sa Iyo

Kung naghahanap ka ng gayuma para mabaliw sa’yo ang taong mahal mo, siguro gusto mo lang maibalik ang dati niyang lambing at effort. Noon, siya pa ang unang nagme-message, nagyayaya lumabas, at gumagawa ng paraan para magkita kayo. Pero ngayon, parang ikaw na lang ang laging naghahabol.

Pero paano nga ba makakatulong ang gayuma sa ganitong sitwasyon?

Para sa akin, hindi naman kailangan na maging sobrang obsessed sa’yo ang isang tao. Kapag sobra ang pagkahumaling, pwede itong mauwi sa pagiging possessive at magdulot ng problema. Mas mahalaga na matanggal ang mga hadlang na naglalayo sa inyo at mabigyan kayo ng pagkakataon na maibalik ang dati ninyong closeness.

Bago ka sumubok ng ritwal, pag-isipan mo muna kung bakit nagbago ang pakikitungo niya sa’yo. Maaaring may nasabi o nagawa kang nakasakit sa kanya. Baka nararamdaman niyang siya na lang ang laging nag-eeffort. O baka may problema kayong hindi pa napag-uusapan. Minsan, alam naman natin kung saan nagsimula ang problema, pero ayaw lang nating aminin dahil mahirap tanggapin.

Kung hindi mo alam ang naging dahilan nang paglayo niya, pwede kang magpa-tarot reading para mas maintindihan ang sitwasyon at malaman kung ano ang dapat mong gawin. Makakatulong ito para mas malinaw sa’yo kung ano talaga ang gusto mong mangyari at kung ano ang dapat mong baguhin.

READ: Ano ang Dapat Mong Asahan sa Isang Tarot Reading?

Kapag malinaw na sa’yo ang sitwasyon, mas madaling matukoy ang layunin ng ritwal. Halimbawa, gusto mo bang mapatawad ka niya? Maibalik ang tiwala niya sa’yo? O magkaroon kayo ng pagkakataon na ayusin ang relasyon ninyo at magsimula ulit?

Mahalagang malinaw ang layunin mo bago magsagawa ng ritwal. Pero tandaan, hindi pwedeng umasa ka lang sa ritwal at wala ka nang gagawin. Kung kailangan mong humingi ng tawad o baguhin ang pakikitungo mo sa kanya, gawin mo rin ang parte mo.

Ingat sa mga DIY love spell na nakikita mo online. Hindi ito basta-basta pagsisindi lang ng kandila o pagbigkas ng orasyon. May tamang proseso na kailangang sundin sa paggawa ng gayuma sa pag-ibig. Kapag hindi ka sigurado sa ginagawa mo at wala kang sapat na gabay, malaki ang posibilidad na lalo pang lumayo siya sa iyo. Mas mabuting kumonsulta sa isang manggagayuma na may sapat na kaalaman sa ganitong gawain.


Libreng Konsultasyon

Gusto mo bang mahalin ka rin ng taong gusto mo? O gusto mo bang magkabalikan kayo ng ex mo?

Punan mo lang ang form sa ibaba para malaman natin kung nababagay ang gayuma sa sitwasyon mo.

Libre ang consultation at confidential ang lahat ng impormasyong ibabahagi mo.

Kung hindi gumagana ang form sa ibaba, gamitin ang form na ito: https://forms.gle/BKZzCZtGQS8xQLwq9

Click to Chat