Ang Aking Psychic Journey

Ilang taon pagkatapos ng una kong premonition, may nangyari ulit na mas nagpatibay sa paniniwala ko na hindi lang aksidente yung nangyari noon. Papunta kami ng kapatid ko mula Baclaran papuntang Cavite. Habang naghihintay kami ng jeep, bigla akong nakaramdam ng isa pang vision. Parang nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa tabi ng driver, may dugo sa kanan kong sentido. Kahit may warning na, hindi ko ito pinansin. Umupo pa rin ako sa tabi ng driver habang ang kapatid ko naman ay naupo sa likod kasama ang ibang pasahero.
Malapit na kami sa babaan nang biglang umiwas yung jeep sa isang mini bus na nag-overtake. Bumangga kami sa poste ng kuryente at tumama ang ulo ko sa windshield. Eksaktong tulad ito ng nakita ko sa vision. Doon ko na-realize na mahalagang makinig sa intuition kasi ito na pala yung way para maprotektahan tayo.
Pulang Kalangitan
Nagsimulang magpakita ang mga premonition ko sa panaginip. Napanaginipan ko si Papa na nakatayo sa may hukay sa likod ng krus. Ako naman nasa paanan nito. Ang paligid ay sobrang dilim at umuulan pa. Sabi ni Mama, "Parang may mamamatay sa pamilya." Isang linggo pagkatapos nun, pumanaw si Papa. Naintindihan ko na hindi ito ipinakita para pigilan ang mangyayari kundi para ihanda ako sa responsibilidad na darating.
May isa pang karanasan na hindi ko makalimutan. Isang taon pagkatapos ng pagkamatay ni Papa, kumakain ako sa karinderya sa Imus. Bigla ko siyang nakita sa kabila ng kalsada habang nakatingin sa akin. Suot niya yung parehong damit na suot niya noong huling araw niya. Noong una, hindi ko agad naintindihan kung bakit. Pero pinaalala ni Mama na death anniversary niya pala nung araw na yun.
Mga Hindi Maipaliwanag na Karanasan
Isang gabi, galing ako sa work at nakatayo sa harap ng bahay namin. May nakita akong bola ng puting ilaw na kasing laki ng jolen. Lumulutang ito sa ibabaw ng dahon ng puno ng saging. Akala ko alitaptap lang pero laking gulat ko nang tumagos ito sa dahon. Pakiramdam ko elemental yung nakita ko. May isa pang pagkakataon habang nanonood ako ng TV. May nagpakitang silver snake sa harapan ko. Akala ko totoong ahas pero bigla itong naglaho na parang bula.
From Curse to a Blessing
Oo, aminado ako na natakot ako sa simula. Pero hindi ko siya tinuring na sumpa. Para sa akin, blessing siya. Dahil sa gift na 'to, natuto akong makinig, magtiwala, at gumawa ng matitibay na desisyon. Ito rin ang naging daan para tumayo ako bilang haligi ng pamilya at maging gabay sa mga estudyanteng tinutulungan ko ngayon sa kanilang spiritual journey. Ngayon, malinaw na sa akin ang dahilan kung bakit sa akin ito ibinigay.
BASAHIN: Tarot Reading: Totoong Gabay o Basta Hula Lang?