Gayuma Para sa Taong Mahal Mo

Gayuma Para sa Taong Mahal Mo

Maaaring nandito ka ngayon dahil naghahanap ka ng paraan para magustuhan o mahalin ka rin ng taong mahal mo. Baka ito ang unang beses mong sumubok ng gayuma, o baka may mga ritwal ka nang ginawa dati pero parang walang nangyari.

Pero bago ka gumawa ng kahit anong ritwal, may ilang bagay kang kailangang malaman.

Una, kilala ka ba ng taong gusto mo?

Mas mainam kung may ugnayan na talaga sa pagitan ninyo. Hindi naman kailangang magkakilala na kayo o madalas nang nagkakausap. Pwede ring madalas lang kayong nagkikita sa iisang lugar, gaya ng trabaho, school, o lugar na pareho ninyong pinupuntahan.

Pangalawa, single ba siya?

Mahalaga ring alamin kung may karelasyon na ang taong gusto mo. Kung may kasintahan na siya, hindi tama na manggulo sa relasyon nila para lang makuha mo siya.

Maaaring makuha mo ang gusto mo sa simula, pero hindi rin magiging maganda ang kalalabasan. Pwedeng maging magulo ang relasyon at ikaw rin ang mahihirapan sa bandang huli.

Pangatlo, kailangan mo munang malaman kung bagay ba talaga ang ritwal sa sitwasyon mo.

Hindi lahat ng problema sa pag-ibig ay dapat idaan sa gayuma. Baka hindi pa handa sa commitment ang taong gusto mo. Kung ganoon, kailangan mong igalang ang kanyang kalayaang magpasya.

Kaya kapag may lumalapit sa akin para magpagawa ng gayuma, inuuna ko munang mag-Tarot reading. Sinusuri ko muna ang sitwasyon ng taong papagawan ng ritwal at kung ano ang nararapat na hakbang.

Pang-apat, handa ka ba sa proseso?

Hindi lang kandila ang kailangan sa ritwal. Dapat mo ring ihanda ang tamang mga gamit, maglaan ng oras, at pumili ng lugar kung saan ito isasagawa.

Depende sa intensyon ng ritwal, maaari kang gumamit ng herbs, incense, oils, candles, at iba pang gamit. Pero hindi dahil nakita mo lang ang isang material online ay agad mo na itong gagamitin. Siguraduhin muna na bagay ito sa iyong intensyon.

Kasama rin sa ritwal ang effort na ibinibigay mo. Mula sa paghahanda ng mga gamit hanggang sa oras at enerhiya na inilaan mo, lahat ng ito ay bahagi ng proseso.

Mahalaga rin ang privacy. Pumili ng tahimik na lugar kung saan hindi ka maaabala para makapag-focus ka.

Panglima, huwag mong kalimutan ang cleansing at protection.

Bago gumawa ng ritwal, mahalagang magsagawa muna ng cleansing at protection rituals. Sa ganitong paraan, walang makasagabal sa gagawin mo at hindi ito magkakaroon ng masamang epekto.

At pagkatapos ng ritwal, kailangang matuto kang bumitaw.

Ito ang isang bagay na madalas nakakalimutan ng mga gumagawa ng ritwal.

Pagkatapos mong gawin ang ritual, huwag mong ubusin ang oras sa pag-aabang kung kailan mo makikita ang resulta. Kung gagawin mo ito, mas lalo kang magiging balisa at mawawala sa focus. At kapag nangyari ito, nagdadala ka ng negatibong enerhiya na nakakasagabal sa iyong ginawa.

Ang gayuma ay hindi dapat gawin nang padalos-dalos. Kailangan mo munang maintindihan ang sitwasyon, pag-isipan ang intensyon mo, ihanda ang kailangan, at malaman din kung ano ang gagawin pagkatapos.


Libreng Konsultasyon

Gusto mo bang mahalin ka rin ng taong gusto mo? O gusto mo bang magkabalikan kayo ng ex mo?

Punan mo lang ang form sa ibaba para malaman natin kung nababagay ang gayuma sa sitwasyon mo.

Libre ang consultation at confidential ang lahat ng impormasyong ibabahagi mo.

Kung hindi gumagana ang form sa ibaba, gamitin ang form na ito: https://forms.gle/BKZzCZtGQS8xQLwq9

Click to Chat