"Gayuma: Isang Kasaysayan" Lyrics
Listen on SoundCloud
Noong unang panahon,
mula pa sa mga ninuno,
gayuma sa pag-ibig,
ginawang instrumento,
panghalina ng tao,
pampasunod, pampaamo.
Para sa kanila,
ito ay totoo.
Sa Visayas naman,
sumibol ang Jumaya.
Gayuma para sa sinta,
panggapos ng pusong malaya.
At para sa pangontra,
buringot ang gamit nila.
Mabisang panlaban
sa bangis ng Jumaya.
Kapag pinausukan naman,
damit ng mahal mo
ng insensong inilalako
ng mga Negrito,
mahuhumaling daw,
yuyuko sa iyo
hanggang sa makamit,
matamis niyang "oo".
Sa Pangasinan,
may isang agimat
na mula sa puso ng saging
ay bumabagsak.
Kapag nakuha mo ito,
nagapi masasamang espirito,
lahat ng mga babae'y
mababaliw sa iyo.
Sa iba't ibang dako,
ang gayuma ay totoo.
Lihim na karunungang
nagmula pa sa mga ninuno.