"Dalangin ng Babaylan" Lyrics
Listen on SoundCloud
O Bathala, Dakilang Lumikha,
Pinagmulan ng lahat ng biyaya.
Hayaang ang kabutihan Mo’y manaig sa lupa.
Kami'y Iyong gabayan, sa landas na tama.
Dumangan, diwata ng agrikultura.
Agapayan mo nawa ang bawat magsasaka.
Sa kabila ng pagod at hirap ng katawan,
gantimpala at ginhawa, sila'y pagkalooban.
Mapulon, diwata ng kalusugan.
Pagalingin mo ang may karamdaman.
Haplusin mo ang puno at halaman,
maghatid sa kanila ng ginhawa’t kagalingan.
Anitun Tabu, diwata ng hangin at ulan.
Mula sa mapaminsalang bagyo, kami ay isanggalang.
Mula sa malalakas na hangin,
protektahan ang aming mga tahanan.
Apolaki, diwata ng araw at digmaan.
Bigyan mo kami ng lakas at tapang
upang aming maipaglaban ang kabutihan.
Sa ngalan ng hustisya, kami’y manindigan.
O Bathala at mga diwata ng kalikasan.
Ako’y nagsusumamo, dinggin ang kahilingan.
Aking panalangin, inyo sanang pagbigyan.
Bigyan ng katuparan ang aming inaasam.