Bakit Parang Sunod-sunod ang Kamalasan sa Pera?

Bakit Parang Sunod-sunod ang Kamalasan sa Pera?

May mga panahon sa buhay na kahit ginagawa mo naman ang lahat, parang walang nangyayari. Kayod ka nang kayod, pero laging nauubos ang kinikita mo. Hindi ka naman sobra kung gumastos, pero bigla na lang may sunod-sunod na unexpected expenses.

Kung nagpapatong-patong na ang problema at hindi mo na maintindihan kung saan ito nanggagaling, posibleng may spiritual attack o psychic attack na nakakaapekto sa’yo. Baka may taong in-e-evil eye ka dahil sa inggit, o baka nadadamay ka lang sa mabigat na energy o bad karma ng pamilya mo.

Tingnan natin sa article na ito ang mga posibleng dahilan ng pinagdadaanan mo ngayon.

Inggit

Isa sa pinakakaraniwang sanhi ng spiritual attack ay inggit. May mga taong hindi man direktang gumagawa ng ritwal laban sa’yo, pero dahil sa tindi ng inggit, galit, o sama ng loob nila, nakakapagpadala sila ng negative energy.

Halimbawa, kapag may achievement ka, bagong opportunity, o magandang nangyayari sa buhay mo, bigla na lang itong nauudlot. Parang dumadaan lang sa kamay mo ang swerte.

Kaya mag-ingat sa sobrang pagshi-share ng mga nangyayari sa buhay mo. Baka yung akala mong masaya para sa’yo, matagal na palang kontra sa pag-asenso mo.

Kulam

May mga pagkakataon din na sinadya ang spiritual attack. Maaaring may taong nagpagawa ng kulam laban sa’yo, o gumamit ng ibang uri ng dark arts para guluhin ang takbo ng buhay mo.

Mas mabigat ang epekto nito kapag may matinding galit, inggit, o sama ng loob ang taong nasa likod nito. Pero hindi laging ikaw ang direktang target. Minsan, nadadamay ka lang sa kulam o negatibong enerhiyang nakatuon sa isa sa mga mahal mo sa buhay.

Lugar na Pinamamalagian Mo

Malaking factor din ang lugar na tinitirhan mo. Kapag ang bahay o space mo ay puno ng mabigat na energy, maaari itong makaapekto sa takbo ng buhay mo.

Pwedeng galing ito sa dating nakatira doon, sa mga away, lungkot, sakit, o negatibong pangyayari na matagal nang naiwan sa lugar. Kapag hindi regular na nililinis ang energy ng space, naiipon ito at maaaring magdala ng bigat o kamalasan.

Kung napapansin mong mas bumigat ang buhay mo mula nang lumipat ka sa isang lugar, makabubuting ipa-cleanse ang bahay o space mo. Maaari ka ring maglagay ng protection charm para makatulong sa pagpasok ng mas magaan at positibong energy.

Sariling Negatibong Energy

May mga pagkakataon din na tayo mismo ang nakakapag-attract ng mabibigat na energy sa buhay natin. Normal lang makaramdam ng lungkot, galit, o takot. Tao lang tayo. Pero kapag hinayaan mong manatili ang bigat sa sistema mo nang matagal, maaari itong makaapekto sa iba’t ibang aspeto ng buhay mo.

Kung lagi mong iniisip na malas ka, walang mangyayari sa’yo, o hindi ka makakaahon, unti-unti itong nagiging parte ng vibration mo. Hindi mo namamalayan, nagiging magnet ka na pala ng mga problemang ayaw mong mangyari.

Kaya mahalagang bantayan hindi lang ang ginagawa mo, kundi pati ang mga iniisip at nararamdaman mo. Hindi mo kailangang maging positive araw-araw, pero kailangan mong matutunang ibalik sa balanse ang sarili mo.

Do-It-Yourself Rituals

Marami ring nakakaranas ng spiritual problem dahil sa mga ritwal na nakikita lang online at sinubukan nang walang sapat na kaalaman.

Hindi lahat ng ritwal na nakikita mo sa internet ay kumpleto. May mga bahagi na hindi sinasabi. May mga proseso na hindi itinuturo nang buo.

Kapag mali ang pagkakagawa, pwedeng makapag-attract ka ng negative energy na magdadala ng kamalasan sa’yo. Walang masama sa pagsubok ng mga ritwal na pampaswerte, pero siguraduhin mong alam mo ang tamang proseso.

Kung hindi ka sigurado, mas mabuting magpagawa o magpakonsulta sa taong may sapat na kaalaman at karanasan sa ganitong bagay.

Karma

May mga pagkakataon na ang sunod-sunod na problema ay hindi simpleng negatibong enerhiya lang. Minsan, konektado ito sa karmang dala ng tao, maaaring mula sa buhay na ito o sa past life.

Kapag karma ang dahilan, hindi sapat ang simpleng cleansing. Kailangan mong maintindihan kung anong lesson ang paulit-ulit na ipinapakita sa’yo ng buhay. Baka may pattern kang kailangang putulin, ugaling kailangang baguhin, o desisyong matagal mo nang iniiwasang harapin.

Hindi ibig sabihin na habang-buhay ka nang mahihirapan. Matatapos din ang cycle kapag naintindihan mo na ang lesson, tinanggap mo ang responsibilidad, at nagsimula kang gumawa ng mga pagbabagong kailangan sa buhay mo.

Ano ang Dapat Mong Gawin?

Kung nararanasan mo ang sunod-sunod na kamalasan, huwag agad mag-panic. Pag-isipang mabuti kung ano ang posibleng dahilan nito.

Tingnan mo muna ang practical side. Kumusta ang spending habits mo? May mga desisyon ka bang kailangang ayusin? Baka may contribution ka rin sa nangyayari sa’yo. Kung may malinaw na dahilan, unahin mo munang ayusin iyon.

Pero kung wala ka nang makitang malinaw na dahilan at tuloy-tuloy pa rin ang unos sa buhay mo, baka panahon na para tingnan ang spiritual side ng sitwasyon.

ROAD OPENER RITUAL
Click to Chat