"Babaylan - Kasaysayan" Lyrics
Song by Babaylan Tata Adlaw ‧ 2025
Listen on SoundCloud
Listen on SoundCloud
Noong unang panahon,
bago dumating ang mga Kastila,
ang babaylan ang tagapamagitan
ng tao, Bathala't mga diwata,
ang gabay ng datu,
manggagamot ng katawan,
ng kaluluwa.
Ngunit sa pagdating ng mga dayuhan,
nagsimula ang gulo.
Ipinako sila sa kasamaan.
Sa hindi nila pagyuko,
sila ay pinarusahan.
Hindi sila pumayag.
Ang mga babaylan nag-aklas.
Bitbit ang armas,
gabay ng Bathala’t mga diwata,
kanilang basbas.
Mananatiling buhay,
ang mga alaala,
mga ritwal at dasal,
paglaya sa tanikala.