Alamin ang iyong mga nakatagong talento at silipin ang iyong hinaharap sa pamamagitan ng pagtingin sa mga guhit sa iyong palad. Ang bawat guhit ay may kwento tungkol sa iyong buhay, potensyal, at mga pagsubok na maaari mong harapin. Halimbawa, ang Life Line ay hindi nagsasabi kung gaano ka katagal mabubuhay, kundi nagpapakita ng mga karanasang tiyak na iyong kapupulutan ng mga aral. Ang Head Line ay nagbibigay ng ideya sa kung paano ka mag-isip, habang ang Heart Line naman ay nagpapakita ng iyong relationship patterns at emosyonal na estado.
Life Line
- Mahaba at Malalim: Nagpapahiwatig ng magandang kalusugan o malakas na pangangatawan.
- Maikli at Malalim: Nagsasaad ng kakayahang mabilis na maka-recover mula sa sakit.
- Maikli at Mababaw: Madaling maimpluwensyahan ng iba ang mga taong nagtataglay nito.
- Putol-putol: Nagpapahiwatig ito ng malalaking pagbabago sa buhay o suliranin sa kalusugan. Kaya kong matukoy kung kailan maaaring mangyari ang mga pagubok na ito upang mapaghandaan at maiwasan.
Heart Line
- Maikli o Wala: Nagpapakita ng pagiging padalos-dalos sa mga desisyon na pagmumulan ng mga conflicts. Kung mayroon ka nito, magiging mahirap para sa iyong makatagpo ng long-term relationships.
- Mahaba: Kung umaabot ito lampas sa hintuturo, nagpapakita ng pagiging maingat sa pag-ibig. Nagiging sobrang seryoso naman sila kapag nasa isang relasyon. Kung nag-end ito sa pagitan ng hintuturo at gitnang daliri, sila ay natural na expressive at affectionate.
Head Line
- Mahaba: Nagpapakita ng pagiging matalino, pagkakaroon ng matalas na memorya, at pagiging maingat pagdating sa mga desisyong gagawin.
- Maikli: Mas pinipili ng mga taong mayroon nito ang simpleng buhay, o sa madaling salita, mabilis silang makontento.
- May Putol: Nagpapahiwatig ng mga panahon ng pagkabalisa na maaaring makaapekto sa mga desisyon at kalusugan.
- Wala: Masyadong relaxed at madalas umiwas mula sa mga seryosong usapin ang mga taong nagtataglay nito.
Ang mga guhit sa iyong palad ay unique katulad mo, at naiimpluwensyahan ng kanilang haba, lalim, at mga natatanging marka.
Gusto mo bang malaman kung ano ang sinasabi ng iyong mga palad tungkol sa'yo? Punan lang ang form sa ibaba.